_ngayon
^
Mga katrabaho nina Ces at Gretchen kampi-kampihan sa libel na nabasura
Gretchen at Ces

Mga katrabaho nina Ces at Gretchen kampi-kampihan sa libel na nabasura

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2019 - 12:00am

True kaya na lihim na natuwa ang ilang taga-ABS-CBN News and Current Affairs sa pagkaka-basura ng kasong libel na isinampa ni Gretchen Fullido laban kina Ces Drilon, Marie Lozano and news executive Venancio Borromeo?

Tsika ng isang insider ng ABS-CBN, nagulo raw kasi ang News and Current Affairs ng Kapamilya Network sa ginawa ng Star Patroller na si Gretchen nang kasuhan niya ng sexual har­  rasment ang supervising producer na si Cheryl Favila at TV Patrol segment producer na si Maricar Asprec dahil maraming naapektuhan.

Umano ay tumestigo si Ms. Ces, Marie and Venancio sa AdHoc committee ng ABS-CBN in favor of Favila and Asprec na parehong miyembro ng LGBT na naging basehan nang nabasurang kaso ni Ms. Gretchen against Ces. 

Pero I’m sure, marami rin namang kakampi si Gretchen sa loob ng News ang Current Affairs ng ABS-CBN.

Beauty Queen tinanggi ang relasyon kahit ‘nahuli’

Itinatanggi ng isang beauty queen ang naging relasyon niya sa anak ng isang pulitiko. Hindi raw naging sila at walang nangyari.

Pero natawa ang mga nakarinig ng denial ng beauty queen. Paano raw kaya niya idi-deny na nahuli silang magkasama sa isang room ng anak ni Mr. Politician?

Magkasama raw sila the whole night kaya paanong mangyayari na wala silang relasyon.

Hehehe. Laugh na lang ang mga nakarinig sa kuwento ni ate beauty queen.

CES DRILON GRETCHEN FULLIDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with