Sylvia
Oh wow, pamilya na, kapatid ni Maine Mendoza todo suporta kay Arjo Atayde!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kelan nga kaya dadalhin officially ni Arjo Atayde si Maine Mendoza sa kanilang bahay sa Quezon City para makilala ito ng formal nina Sylvia Sanchez and Art Atayde?

Ito raw ang rason kaya wala talagang masabi sa ngayon ang parents ng Kapamilya actor dahil nga hindi pa nila nakikilala ang girlfriend ni Arjo.

Mas nauna pa nga raw nakilala ni Sylvia ang kapatid ni Maine na si Nikki na present sa advance screening ng Bagman na pinagbibidahang series ni Arjo at napapanood na sa streaming  provider ng ABS-CBN na iWant.

Yup, present pala ang kapatid ni Maine sa advance screening ng Bagman the other night.

Kaya kahit anong tanong kina Ms. Sylvia and Mr. Art kung kumusta naman sina Arjo at Maine, wala silang makuwento. Hindi rin daw kasi makuwento ang actor pero nagsasabi naman ito pag nagkikita sila ni Maine na ilang beses nang nag-abroad.

Pero nag-promise raw ito na soon ay ipakikilala na nito si Maine sa kanila.

Anyway, hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang family nila Arjo matapos ngang lumantad ng relasyong ArMaine.

Pero dedma na sila. Wala nga naman silang magagawa. Isang beses lang umalma si Ms. Sylvia dahil nga sa death threats sa kanilang buong pamilya. May pagbabanta nun na isang bala lang si Arjo kaya naman talagang nagsalita na si Ms. Sylvia na kung may ganun silang plano, sa kanya na lang ‘wag na sa anak nila.

Lumabas ‘yun all over kaya naman naging alert ang mga police agency at kino-contact sila para i-advice na kung gusto nilang magsampa ng formal complaint ay handa silang tumulong.

Nakikipag-usap na rin sila sa NBI para nga ma-trace na ang mga basher  na ito na ayaw tumigil sa ilusyon kina Alden Richards and Maine at hindi matanggap ang relasyong ArMaine na ngayon ay may sariling fans club na rin naman.

Nakikita naman daw nilang happy ang actor kaya maligaya na rin sila especially Ria Atayde na para raw bumalik sa pagiging high school ang kanyang kuya dahil sa kakiligan nito. “Nakita ko kung gaano siya ka-happy. “Para siyang bumalik sa high school,” sabi ni Ria.

Kaya nga bakit ba hindi na lang sila maging masaya sa relasyon nila Arjo at Maine.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with