Kier
Dani preggy na raw, ‘di pinatulan ng ama
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pala ‘pinatulan’ ng amang si Kier Legaspi ang panglalait ng anak niya kay Marjorie Barretto na si Dani matapos itong magpahayag na tanging nanay lang niya ang nagpalaki sa kanya.

Sinabi rin nito na sa kanyang kasal ang mommy lang niya ang maghahatid sa kanya sa altar.  Sinabi pa niya na anim na taon na silang hindi nagkakausap ng kanyang ama. Hindi naman daw niya sinasabing hindi niya mahal si Kier pero nasanay na siyang wala ito dahil matagal nga silang hindi na nagkikita.

Say ng netizens, ‘diumano ay hindi katanggap-tangap ang mga salitang binitiwan ni Dani laban sa kanyang ama at sa pamilya nito.

Say pa nila, sana raw ay sinarili na lang ni Dani ang problema niya kung ano man at hindi na ikinalat sa social media na nagbigay nga naman ng kahihiyan sa kanyang pamilya.

Pero nanahimik si Kier at ginawan na lang ng sulat ang anak.

Ipagdarasal na lang daw nito ang kaligayahan ng nag-iisang anak nila ni Marjorie.

Well, good for Kier dahil si Gretchen Barretto na ang nagtanggol sa kanya.

DANI BARRETTO MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with