Chuckie
Chuckie Antonio type si Kim Chiu
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pang-showbiz ang hitsura ng millennial politician na si Chuckie Antonio na nakilala namin recently.

In all fairness, pwedeng-pwede siyang artista dahil gwapo, matangkad at hearthtrob ang dating ng 26-anyos na binata na third-termer Kagawad sa Barangay Ugong, Norte at ngayon ay tumatakbong Councilor ng 3rd District ng QC.

Actually,  naging part siya ng Circle of 10 during his teen years at rumaket-raket din siya sa pagmo-model pero kuwento ni Chuckie hindi raw talaga ito ang linya niya. 

Katuwa rin ang kuwento niya na everytime na nag-iikot siya ay lagi siyang natatanong kung artista ba siya at pinapayuhan pa raw siyang mag-artista na lang.

Wala siyang girlfriend sa kasalukuyan at ang type niya, mga tsinita like Kim Chiu. 

Anyway, nagtapos si Chuckie ng Bachelor of Science in Entrepreneural Management sa University of Asia & the Pacific at nag-masteral ng Master of Sciene in Management sa Singapore Management University in Singapore. Sa Ateneo naman siya nagtapos ng high school.

CHUCKIE ANTONIO KIM CHIU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with