Piolo at Judy Ann
Excited sa kanilang reunion Piolo naghihintay maging free si Judy Ann
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

Nakatakdang pumunta ni Piolo Pascual sa Florence, Italy upang mag-aral ng film production. Para sa aktor ay kaila­ngang madagdagan ang kanyang kaalaman lalo na’t tungkol sa digital technology ngayon. “We’re looking at studying other platforms which we have. Like when we came out with our first movie before Kimidora. We were transforming from analog to digital and from film to digital,” bungad ni Piolo.

Dalawang buwan lamang mananatili sa Italy ang aktor para sa nasabing course. Maraming mga pelikula ang planong gawin ni Piolo bilang aktor at isang movie producer sa kanyang pagbabalik.

Bulung-bulungan na rin ngayon ang posibleng pagtatambal muli ng aktor at Judy Ann Santos na magsisilbing reunion movie ng dalawa. “It’s just a matter of time. I guess when she’s free already to do the film. But I’m keeping my fingers crossed. I hope bago kami tumanda. That’s what I always say, anytime she’s free, I’ll make myself free for her,”nakangiting pahayag ng aktor.

Matapos matengga ng 4 years, Ronnie feeling fresh sa pelikula nila ni Loisa

Kakaibang Ronnie Alonte ang masasaksihan ng mga tagahanga sa pelikulang James & Pat & Dave. Sequel ito ng Vince & Kath & James na pinagbidahan din ng aktor noong 2016 kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kasama ngayon ni Ronnie sa bagong pelikula sina Loisa Andalio at Donny Pangilinan. “Sobrang saya ko po kasi ito na ‘yung matagal kong hinihintay. Dati ang tagal kong natengga, ito na ulit ‘yon. Kumbaga start ko ito ulit, bagong Ronnie ‘yung makikita nila, fresh, parang wala silang nakitang Ronnie dati,” makahulugang pahayag ni Ronnie.

Nilinaw ng aktor na wala siyang kinalaman sa pagkakapili sa kasintahang si Loisa upang maka­tambal sa bagong proyekto. “Kapag Ronnie Alonte, Loisa na ‘yung kasama no’n. Hindi po ako, talagang siya ‘yung bagay sa role na binigay ng Star Cine­ma kaya sa kanya napunta,” giit ng binata.

Para kay Ronnie ay maganda rin kung makakasama nila sa bagong pelikula ang mga karakter noon nina Julia at Joshua bilang sequel ito. “Open po ako sa lahat. Mas maganda nga po iyon, sama-sama kami. Mas maganda ‘yung promotion and mas maganda ‘yung pelikula. May Joshua, may Julia, mas maganda. Para sa amin, walang issue ‘yung gano’ng mga bagay,” paliwanag ng aktor.

Magkahalong emosyon naman ang naramdaman ni Loisa nang mabalitaang siya ang makakatambal ng nobyo sa nasabing Star Cinema film. “Nakaka-pressure kasi first time ko mabigyan ng ganitong role. Ito ‘yung pinakamalaking break na binigay sa akin. After four years, first time ko mag-lead sa Star Cinema. Sobra akong excited na makita niya ‘yung gagawin namin dito,” paglalahad ni Loisa.

Ayon pa sa dalaga ay talagang malaki ang pagkakapareho nila ng kanyang karakter bilang si Pat. “Hindi siya nalalayo sa akin, jologs, palengkera, taong kalye, gano’n naman ako. Kaya excited ako makita ng mga tao ‘yung gagawin ko dito,” dagdag ng aktres. (Reports from JCC)

JUDY ANN SANTOS PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with