Kris
Nicko Falcis dalawang warrant ang nakaabang
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

Kamakalawa ng hapon ay may ipinost si Kris Aquino sa kanyang Ins­tagram account ang pahayag ng isa sa mga abugado niya sa Divina Law na si Atty. Enrique dela Cruz.

Sinabi niya roon na hindi raw sumipot si Nicko Falcis sa hearing na hiniling ng kanyang mga abogado na ipa-reinvestigate ang kasong isinampa laban sa kanya.

Dahil sa di pagsipot ni Nicko, at mga abugado lang niya ang pumunta, na-deny daw ang motion na hiniling nila sa korte.

Hindi pa rin daw nagpakita si Nicko para mag-post ng bail para sa dalawang warrant of arrest na inisyu.

Sabi ni Kris sa post na iyun, mga abugado na lang daw niya ang magsasalita kaugnay sa kasong ito.

May inilabas din silang press statement mula sa legal counsel niyang Fortun, Narvasa at Salazar Law offices.

Doon ipinaliwanag ang dalawang warrant na inisyu. Ang isa ay mula sa Branch 70 ng Taguig Regional Trial Court dahil sa kasong violation of Rep. Act No. 8484, at ang isa ay mula naman sa Branch 117 ng Taguig Metropolitan Trial Court, para naman sa kasong Estafa.

Bahagi ng press statement na iyun; “In both cases, no bail has been posted as of date. Falcis remains at large and continues to defy court orders for him to surrender.”

Kaya ipinarating na rin nila na kung sino man daw ang nakaalam kung nasaan si Nicko Falcis, pu­wede raw makipag-ugnayan sa tanggapan ng naturang law office sa telepono 8128670.

May paliwanag naman si Nicko sa kanyang Instagram account na hindi raw niya maintindihan kung anong basehan ng dalawang kasong iyun na isinampa laban sa kanya.

Ipinaliwanag naman niya na walang misappropriation na gina­wa sa credit card na pinagamit sa kanya.

Nakahanda raw siyang harapin ang kaso pero hanggang ngayon ay nandiyan pa rin daw ang pagbabanta diumano ni Kris sa kanyang buhay.

Inaayos naman daw niya ang bail na ipu-post sa warrant na inisyu sa kanya.

Gretchen at Claudine, ‘nilampaso’ ang pamangkin!

Bago pa pag-usapan itong patuloy na legal battle nina Kris at Nicko, nagnakaw-eksena naman ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto sa kanilang IG live na parang nag-presscon nung Miyerkules ng gabi.

Hindi kaya sinadya ni Gretchen ito para sa kanya mapunta ang atensyon at hindi na kina Kris at Nicko?

Halos dalawang oras ang IG live na iyun na kung saan, hindi naman gaanong nagsalita si Claudine, dahil hirap din siyang makasingit sa pagrepeke ng bibig ni Gretchen.

Sinagot nilang magkapatid ang di pagpunta sa burol ng tiyahin nila. Mahaba ang hanash nila roon, basta ang sabi lang nila, ang mahalaga raw ay naipadama raw nila ang kanilang pagmamahal nung nabubuhay pa ito.

Wala naman daw silbi ang pagpunta sa burol tapos i-post at maglagay ng mensahe na parang hindi raw ganun ka-sincere ang dating.

Doon na rin sila nagbigay ng reaksyon sa vlog ng pamangkin nilang si Dani Barretto na sinasabi niyang ang tanging ina lang daw niya, si Marjorie Barretto ang solong nagpalaki sa kanya.

Dito naglitanya si Gretchen kung paano raw nila inalagaan si Dani dahil nasa bahay daw niya tumira si Marjorie nung nabuntis ito.

Nagkuwento siya kung paano nila inalagaan si Marjorie hanggang sa nakapanganak ito.

Bahagi ng mahabang hanash ni Gretchen; “You know, ang pangit, babalikan ko, babalikan ko ba, like, yung ginastos ko to, ginawa ko ‘yan’?

“You know, ayokong magbilang. Ang sinasabi ko lang, Marjorie and Dani lived with me in Blue Ridge.

Nanganak si Marjorie, at that time, she was doing movies with Viva Films, but she never took up the way Claudine’s or my career, you know.

“I don’t wanna belittle anybody, but she never really took off as an actor.

“Kaka-nineteen lang ni Marjorie nung ipinanganak siya (Dani).”

Sakitin daw itong si Dani, at siya raw ang nagdadala sa hospital at si Claudine pa raw ang nagbabantay.

“I’m trying to say na kung magmahal ako, nagbibigay kami hindi dahil gusto kong ipagyabang years later. No, ganun ako magmahal.

“Ganyan tayong mga Pilipino, nasa kultura natin ‘yan, kung sinong nakakaangat, siya ang tutulong sa pamilya at lalung-lalo na kung paborito mong kapatid.

“So, Dani was the apple of my eye. I didn’t have any children yet.

“I provided everything, including love and attention. And so did Claudine.”

Nakatakdang ikasal si Dani sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Xavi Panlilio. Hindi sila imbitado, at kung sakaling imbitahin sila, hindi naman daw sila pupunta.

KRIS AQUINO NICKO FALCIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with