Gerald at Julia
Ibang Kapamilya Loveteams paghihiwalayin na rin!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

Kasama pala ang JoshLia nina Julia Barretto at Jo­shua Garcia sa loveteams na pag-eeksperimentuhan ng ABS-CBN sa tulong ng Star Cinema sa pamamagitan ng pagtatambal kay Julia kay Gerald Anderson.

Una nang ginawa ito sa JaDine nang ipareha si James Reid kay Sarah Geronimo at ngayon naman ay kay Nadine Lustre na tatlu-tatlo pa ang leading man sa bago niyang pelikula na Ulan.

Si Kathryn Bernardo ay inihiwalay din kay Daniel Padilla at ipinareha kay Alden Richards sa isang pelikula ni Cathy Garcia-Molina na gagawin sa Hong Kong.

Samantala, sa Japan nag-location shooting ang Between Maybes nina Julia at Gerald sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

May ilang kinaringgan ng reklamo dahil daw sa age difference nina Gerald at Julia na hindi naman ganun kalayo. Magti-30 lamang si Gerald at si Julia naman is in her 20s. Sino ang makapagsasabi na baka magkaro’n ng magandang resulta ang eksperimentong ito ng ABS-CBN.

Daniel malabong iwan ni Kathryn

Tama si katotong Ed de Leon sa pagsasabing hindi naman lalamig ang karera ni Daniel Padilla kahit may bago nang kapareha ang ka-loveteam niya. Para namang walang ginawa ang Teen King sa mga panahong sila ang magkasama ni Kathryn,  ganung magaganda naman ang mga ginawa nilang pelikula at kinilala ang naging performance ni Daniel sa ilan.

Nagpakilala rin siya bilang singer at nakagawa ng mga SRO concert sa Araneta Coliseum. Wait na lang muna kayo at may mga magagandang proyekto itong gagawin na magpapamalas ng kanyang versatility as an actor.

Hindi naman papayagan ng ABS-CBN na mapunta lamang sa wala ang matagal na inalagaan ni Daniel na pangalan niya.

Teddy napapabayaan na ang sariling banda

Dapat sigurong kabahan ang grupong Rocksteddy na pina­ngungunahan ni Teddy Corpuz. May pelikula ito na kapag nag-hit at nagtuluy-tuloy ay baka mawalan na ng panahon ang kanilang front man at mapabayaan na ang kanilang gigs.

Bago pa sumabak sa pelikula ang host din ng It’s Showtime ay apektado na ang grupo dahil si Teddy lamang ang gumagawa ng mga kanta nila. Bukod dito ay madalas magkaro’n ng ibang trabaho si Teddy na nakakaapekto sa grupo. Tinangka nitong sabihan ang mga kasamahan niya na humanap din ng ibang mapagkakakitaan nila para kapag hindi siya puwede ay meron silang ibang sources of income.

Gelli at Ariel gusto makilala ang nililigawan ng mga anak

At age 45 and after 21years of married life, ready na si Gelli de Belen at ma­ging ang asawang si Ariel Rivera kung sakaling mag-decide nang mag-asawa ang dalawa nilang binata na sina Julio, 18, at Joaquin, 20.

Nasa Canada ang dalawa, sa piling ng mga magulang ni Ariel at nag-aaral, si Julio ng Kinetics at si Joaquin naman ng Aviation. Hindi pa nami-meet ni Gelli ang mga nililigawan ng kanyang boys pero, nagsabi na sila sa kanila ni Ariel na they’re dating.

Both Gelli and Ariel miss their sons pero tinitiis nila para lamang makatapos ang mga ito ng kanilang pag-aaral.

DANIEL PADILLA GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with