Manolo
Anak ni Senator Angara lalaban sa Davis Cup
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

Wow, pasok sa qualifying event ng prestigious na Junior Davis Cup na gaganapin sa New Delhi, India, next month ang anak nina Senator Sonny and Tootsy Angara na si Edgardo Manuel o Manolo.

Kabilang lang naman si Manolo, 14, sa kakatawan sa Pilipinas laban sa ibang koponan sa Asia at Oceania sa sikat na tournament na mangyayari sa April 8-13.

“So proud of our Manolo who made it to the Philippine Junior Davis Cup after winning some grueling qualifiers against the best boys his age,” sabi ni Angara sa kanyang Instagram post na kumakandidato uling senador.

Ang Junior Davis Cup ay isang international team competition para sa mga lalaking tennis player na may edad 16 pababa. Marami sa mga sikat na tennis player sa mundo ngayon gaya nina Roger Federer at Rafael Nadal ay nakapaglaro sa Junior Davis Cup.

Itinuturing si Manolo na future star tennis player ng Pilipinas.

Hindi nga naman ito ang unang pagkakataon na sumabak ang batang Angara sa international competition. Noong 2017, isa siya sa miyembro ng Philippine Team na lumaban sa Asian Junior Tennis ATF Under 14, kung saan umabot sila sa quarterfinals.

Proud mommy din si Ms. Tootsy sa na-achieve ng anak. Sa kanyang Instagram account: “So so proud of our dear Kuya Manolo for making it to the Junior Davis Cup Philippine Team. We saw how you worked so hard to get here…waking up at 530 am for conditioning and training 2x a day…you’re strength and motivation is from within!!! Mama has nothing but happy tears.”

Sana nga ay magtuluy-tuloy ang tennis career ni Manolo para naman may Pinoy na makilala sa international tennis scene.

EDGARDO MANUEL SONNY ANGARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with