Alden at Kathryn
Alden at Kathryn ‘di malabong magka-inlaban!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

May nagtatanong na agad kung paano raw kung sakaling may mag-spark between Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pagtatambal nila sa Star Cinema movie.

Naku naman, lahat sa buhay, may timing. Kapag itinakda para sa iyo, darating at darating. Kapag hindi sa ’yo talagang hindi mo makukuha.

Ang timing sa isang bagay, hindi natin aakalain na mangyayari dahil bigla na lang nagaganap.

Kahit pa may Daniel Padilla o Maine Mendoza, walang masama at hindi kataka-taka kung sakali na magkaroon ng romantic spark sina Alden at Kathryn.

Pareho sila na malaya, walang mga asawa, maganda ang mga personalidad at very exciting ang chemistry.

Ang ganda raw ng rehistro sa screen ng dalawa nang magkaroon sila ng look test at kitang-kita na nag-click agad sila sa kanilang unang meeting.

Sa bait ni Alden, kahit sinong babae ay magkakaroon ng crush sa kanya. At sa sexy ni Kathryn, sinong lalake naman ang hindi mai-in love?

Hay naku, baka ito na nga ang ikagulat ng lahat, ang paglaruan sila ng tadhana na hindi kataka- taka kung sakali ‘di ba?

Love Our Planet reclamation di dapat suportahan

Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan ang reclamation. ‘Di ba nang ginawa ni God ang mundo, may lupa, tubig at tao?

For sure, ang mga tao ang nakatira sa lupa nang gawin ito ni God dahil alam Niya na magkakasya ang lahat kaya hindi ko makaya na isipin na aangkinin natin ang tubig para matirhan din.

Saan na mapupunta ang tubig na nawala dahil sa mga reclaimed area na dahilan kaya binabaha ang bayan at nawawalan tayo ng supply ng tubig?

Hindi ko rin maisip na marami akong nakikita na mga bakanteng lote na walang nakatira o mga bahay na nakatayo. Hindi ba puwede na ibigay ‘yon sa mga walang lupa?

Halimbawa, apat kayo sa pamilya at marami kayong lupa, hindi ba puwedeng bilhin ng gobyerno ang sobrang lupain para  tayuan ng  school, hospital o gamitin para sa housing project? Aanhin mo ang lupa kung hindi nagagamit?

Kapag tinayuan ng bahay ng informal settlers ang mga bakante na lupa, mahihirapan ang mga tunay na may-ari na bawiin at gagasta pa sila ng malaking pera para mapaalis sa kanilang ari-arian ang mga nanirahan ng walang pahintulot.

Mas mabuti pa na ipagbili na lang sa gobyerno ang lupa para mas marami ang makinabang.

Sa Commonwealth area, nahihirapan ako na sagutin ang tanong kung bakit may informal settlers sa pagitan ng mga building. Bakit may nakatayo na bahay na alam natin na illegal sa tabi ng Sto. Niño Shrine na may katabi na gasolinahan?

At siguro nga kaya halos apat ang simbahan ng INC sa Commonwealth para hindi na pamugaran ng squatters ang mga bakante na lote.

Alam ko na bumibili ng lupa ‘yung iba bilang investment for the future pero kapag sobra na, dapat nang ibenta.

Malulutas natin ang housing problem kung ipagbibili ng iba ang kanilang mga lupain na sobra-sobra.

Huwag na nating pakialaman ang Manila Bay na ginagawang reclamation area.

Sobra na ang pagbaha kapag malakas ang ulan, pati sa tubig, nagkakaroon ng shortage. Huwag nating masyadong guluhin ang kalikasan dahil nakakatakot na.

Pati ang nature equation, naiiba na. Love our planet, iisa lang ‘yan, saan pa tayo pupunta kapag nawala?

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with