Binuko ni Gelli , Ariel may pinag-interesang Korean actress!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

Mahigit dalawang dekada nang mag-asawa sina Gelli de Belen at Ariel Rivera. Aminado si Gelli na pinagseselosan pa rin niya hanggang ngayon ang mga nagiging leading lady ng aktor sa mga proyektong ginagawa. “Deep inside lang, hindi ko bini-verbalize. Unless kailangan na niyang malaman na, ‘Hoy! Over ka na! O.A. ka na,’” natatawang pahayag ni Gelli.

May nagustuhan din daw na ibang babae si Ariel kamakailan ayon sa aktres. Minsang naabutan ng aktor si Gelli sa bahay na nanonood ng isang Koreanovela kung saan nakita ni Ariel ang Korean actress na si Son Ye Jin. “Si Ariel kasi, nanonood ako lagi ng Korea­novela, kung sino ang may hawak ng remote (control ng TV), siya ang masusunod di ba? So noong mga panahon na ‘yon tinatapos ko lang ‘yung episode. Siguro napansin niya, parang nagandahan siya do’n sa babae tinuluy-tuloy niyang panoorin. The next day ti-next niya ako, ano nga ba ‘yung pinapanood mo kahapon? Tapos pinanood na rin niya,”  kuwento ng aktres.

Nagsimula raw ang hilig ni Gelli sa panonood ng mga Koreanovela dahil sa kaibigang si Candy Pangilinan.

Donna touched sa ginawang pakikipag-usap ni Coco

Malaki ang pasasalamat ni Donna Cariaga sa suportang ipinakita sa kanya ni Coco Martin. Isa si Donna sa mga katambal ni Teddy Corpuz sa pelikulang Papa Pogi. Kamakailan ay nakabilang ang Funny One champion ng It’s Showtime sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ayon kay Donna ay hindi siya makalapit kay Coco noon sa set kapag nagte-taping ang kanilang grupo. “Actually sa set po ng Probinsyano kahit sobrang bait po ni Direk Coco, hindi po namin siya malapitan. Kasi sobrang busy po niya. Kaya nagulat po ako nang biglang lumapit siya sa akin, sabi niya, ‘Kailan lalabas ang pelikula mo?’ nakangiting kuwento ni Donna.

Sobrang pagkabigla ang naramdaman ng komed­yana dahil kinausap siya ni Coco tungkol sa kauna-unahang nagawang pelikula. “Napanood niya daw po ang trailer, ‘Parang ang laki ng role mo doon ah!’ Sinusubaybayan niya rin kaming mga artist niya sa Probinsyano, kung ano na mga nangyayari sa amin. Tapos siya na mismo nagpapakuwento. ‘Ano kuwento ng pelikula n’yo?’ Kasi kapag may oras naman po siya, siya na ang nakikipag-chikahan sa amin,” pagdedetalye ni Donna.

Nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan kahapon ang Papa Pogi mula sa Regal Entertainment, Inc. (Reports from JCC)

ARIEL RIVERA GELLI DE BELEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with