^

PSN Showbiz

Cristine nanggulat sa pagiging ‘maldita’

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Cristine nanggulat sa pagiging �maldita�
Cristine

Marami ang sinorpresa ni Cristine Reyes dahil pumayag itong humawak ng isang kontrabida role sa kanyang pagbabalik sa TV. Hindi lamang siya kaiinisan ng mga manonood sa gagawin niyang pagpapahirap sa buhay ng pinakabagong batang babae na kagigiliwan sa isang serye.

Binagayan pa niya ang kanyang role ng isang bagong looks – sexy clothes, neon-colored hair, hindi orange but pink at talagang masamang ugali na isusumpa ng mga manonood. Siya mismo ang humiling na sa kanya ibigay ang role na ginagampanan niya sa seryeng Nang Ngumiti Ang Langit na magsisimula nang mapanood sa Lunes, March 25, kapalit ng Playhouse.

Opposite naman ang role nila ng kasabay niyang nagbabalik din sa TV na si Kaye Abad, gumaganap siya na matiising ina ni Sophia Reola, ang bagong female child star na mapapanood sa nasabing serye.

Bago ang Nang Ngumiti…, pinahanga ni Cristine ang mga manonood sa husay niya sa action sa pelikula niyang Maria. Hindi siya nagpahuli sa tapang at lakas ng loob.

Bago siya, nauna na sa kanyang mag-action sina Anne Curtis at Erich Gonzales. Samantala, sina FM Reyes at Marinette Natividad de Guzman ang magkatulong na pagagandahin ang NNAL na pinangungunahan nina RK Bagatsing, Enzo Pineda, Pilar Pilapil, Matet de Leon, Dante Rivero, Keempee de Leon at ang tatlo pang batang child stars na sina Heart Ramos, Miguel Vergara at Krsytal Mejes.

Mas lalong magugustuhan ng manonood ang Nang Ngumiti… dahil sa napakagandang theme song nitong Yakap na inawit ni Lara Maigue sa mediacon ng serye.

JV hindi masyadong nakakasama sa kampanya

Kung ang pagbabasehan ay ang napakagandang batas tungkol sa Universal Health Care na matagumpay na isinulong at napapirmahan na ni Sen. JV Ejercito, tiyak na makakasama na ang pangalan niya sa ibabalik ng mamamayan sa Senado. Kesa naman ng maraming senatoriables na nadikit lamang ang pangalan sa mga makapangyarihan o nakilala sa ibang bagay, pero hindi sa serbisyo publiko, e ‘di dun na tayo sa mga gumagawa ng batas para sa ikauunlad ng ating bansa at kabuhayan ng mga mamamayan.

Bagaman at naniniwala si Sen. JV na malaki ang ibinaba ng kanyang popularidad dahil madalas siyang absent sa mga pangangampanya ng kanyang mga kasamahan at kalaban, lahat nito ay nagawan na niya ng pa­raan at naipapaabot na sa maraming tao ang ginawa niyang magandang trabaho bilang senador.

Ang Universal Health Care ay naglalayong magbigay ng libre, kung hindi man ng murang medical consultation at laboratory tests. Layunin din ng batas na gawing maingat ang mamamayan sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular check ups.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with