Jennylyn
TODA… papalitan nina Gabby at Jennylyn
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

SEEN: Nagkaroon ng star aura at nag-bloom ang kagandahan ni Rita Daniela mula nang sumikat ang loveteam nila ni Ken Chan sa My Special Tatay. Napatunayan ni Rita na bukod sa pagiging mahusay na singer, magaling din siya na artista.

SCENE: Ang I Love You Two ang ipapalit  sa timeslot ng TODA One I Love na magwawakas bago maganap ang midterm elections sa May 2019. Mga bida sa I Love You Two sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado. 

SEEN: Sa Lunes, March 25, ang red carpet premiere ng Maria sa Trinoma Cinema. Ang Maria ang action movie ni Cristine Reyes na sigurado nang magkakaroon ng sequel kahit hindi pa naipalalabas sa mga sinehan sa March 27, 2019.

SCENE: Nakakaramdam na si Edu Manzano ng separation anxiety dahil sa nalalapit na pamamaalam ni Lucas Cabrera sa Ang Probinsyano. Lucas Cabrera ang pangalan ng popular character ni Edu sa Ang Probinsyano at kailangan na niya na magpaalam sa programa para mag-concentrate sa kanyang kandidatura sa house representative sa lone district ng San Juan City.

SEEN: Between Maybe’s ang title ng pelikula nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Ang itambal sa ibang artista ang mga loveteam ng ABS-CBN ang bagong formula na sinusubukan ng Star Cinema tulad nang ginawa ng mga studio executive kay Kathryn Bernardo na ipinareha kay Alden Richards sa isang movie project.

SCENE: Nag-ahit ng balbas at bigote si Xian Lim dahil sa shoot niya para sa isang product endorsement. Pansamantala na nag-reinvent si Xian ng physical appearance para sa role niya sa Untrue, ang movie project nila ni Cristine Reyes sa Viva Films.

SEEN: Nagmistulang bitter si Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez sa statement nito na parang game show ang Miss World na sinalihan niya noong nakaraang taon. Talunan si Katarina sa international beauty pageant na nilahukan at ni hindi siya nakabilang sa Top 18 candidates.

SCENE: Sa bihirang pagkakataon, si Alden Richards ang special guest sa March 24 episode ng Dear Uge, ang Sunday comedy anthology ni Eugene Domingo sa GMA 7. 

GABBY CONCEPCION JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with