^

PSN Showbiz

SILIPIN: Jak Roberto bilang Dante Gulapa sa 'Magpakailanman'

James Relativo - Philstar.com
SILIPIN: Jak Roberto bilang Dante Gulapa sa 'Magpakailanman'
Sinampolan ng aktor ang mga "Gulapanatics" at "Daigonatics" ng kanyang pagtatangkang sumayaw gaya ng viral sensation sa Instagram.
Instagram/Jak Roberto

MANILA, Philippines — Gaganap bilang Dante Gulapa ang Kapuso star na si Jak Roberto sa episode ng "Magpakailanman" sa Sabado, ika-23 ng Marso.

Kaugnay nito, sinampolan ng aktor ang mga "Gulapanatics" at "Daigonatics" ng kanyang pagtatangkang sumayaw gaya ng viral sensation ngayong Miyerkules sa Instagram.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Magpakailanman this Saturday! #Gulapanatics #Daigonatics

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

 

Kilala si Roberto bilang katambal at real-life boyfriend ng GMA actress na si Barbie Forteza.

Sino ba si Dante Gulapa?

Isang tunay na macho dancer noon, sumikat si Gulapa nang kumalat ang memes tungkol sa kanyang pagsasayaw kung saan pinapatungan ng iba't ibang kanta ang video ng kanyang paggiling.

Tanyag at naging trending din siya dahil sa kakaibang "eagle" dance step na natutunan niya raw nang magtrabaho sa bar.

Dati nang inilahad ni Gulapa ang masalimuot na kwento ng kanyang buhay sa 30-minutong panayam ng News5.

Mula sa pagiging palaboy sa Luneta, isa na siya sa mga endorser ng ride hailing app na Angkas at burger joint na Zark's ngayon.

DANTE GULAPA

GMA 7

JAK ROBERTO

MAGPAKAILANMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with