^

PSN Showbiz

Kaye Abad sinagot ang pang-uurirat kay John Lloyd Cruz

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kaye Abad sinagot ang pang-uurirat kay John Lloyd Cruz
Kaye

Balik-teleserye si Kaye Abad via Nang Ngumiti ang Langit na nagkaroon ng presscon kahapon.

Matagal na siyang nakatira sa Cebu matapos silang pakasal ni Paul Jake Castillo na big time businessman doon.

Kaya naman natanong si Kaye kung nagkikita ba sila doon ni John Lloyd Cruz na sinasabing sa Cebu na nga nakatira at nagpapagawa ng bahay matapos diumanong magkaanak sila ni Ellen Adarna.

Ayon kay Kaye, never nag-cross ang landas nila ng ex-boyfriend sa Tabing Ilog.

Kahit nga raw ang asawa niyang kababayan ni Ellen ay hindi rin nila nagkikita doon.

Anyway, sandali lang ang role ni Kaye sa seryeng papalit sa Playhouse na mapapanood bago mag-Showtime.

Sa teaser pa lang winner na ang nasabing serye na magsisimulang mapanood sa Monday, March 25.

Pagpapatawad para sa ikabubuo ng pamilya ang mensaheng handog ng prog­rama na.

Rosanna namumulot ng mga tinapong datung?!

Isa sa tinutukang topic nina Nay Cristy Fermin and Nay Lolit Solis kahapon sa episode 5 ng Take It... Per Minute! ang tungkol sa demanda ng nanay ni Darren Espanto kay JK Labajo na unang lumabas dito sa PSN last weekend.

Hindi lang isang kaso ang isinampa ng nanay ni Darren kundi dalawa pa - Cyber Libel and Grave Threat and Defamation.

Kasi pala, masyadong na-hurt ang nanay ni Darren dahil nung pareho silang (Darren and JK) nasa The Voice Kids noong 2014, inaasikaso pa raw si JK ng nanay ni Darren since ulilang lubos nga ang Buwan singer.

Siyempre, comment ng viewers lumaki na raw kasi ang ulo ni JK dahil sa buwan kaya siya ‘nabuwang.’

Pinag-usapan din nina Nay Lolit and Nay Cristy ang tungkol kay Claudine Barretto na dedma na raw sa utang kay Jinkee Pacquiao. Parang kinalimutan na raw yata nito.

Pero ang hindi nila talaga pinalampas ay ang pagde-deklara ni Claudine ng pagmamahal kay Rico Yan sa death anniversary nito last week.

Hindi maganda ang dating para sa dalawang nanay ng showbiz ang ginawa ni Claudine samantalang may anak sila ni Raymart Santiago at matagal silang naging mag-asawa.

Nakalkal din ni Nay Cristy sa kanyang memory bank na siya pa ang pinakiusapan noon ni Claudine na itapat niya sa ilalim ng tenga ng aktor na nakahimlay  sa kabaong ang kanyang telepono at may sasabihin si Claudine since hindi noon pinapapasok sa lamay ni Rico si Claudine.

“baby i love you so much. I will never forget you,” pag-alala ni Nay Cristy sa  monologue ni Claudine nang i-check niya kung tapos na itong magsalita.

Anyway, feeling din nila may chance ma-develop si Kathryn Bernardo kay Alden Richard lalo na nga’t sobrang bait daw ng actor.

May gagawing pelikula sina Alden and Kathryn at malapit na itong simulan.

Saka grabe raw ang chemistry nila nang mag-look test na sila.

Oh puwede kaya? At alam na alam ni Nay Cristy na seloso ang mga Padilla kaya inaalala niya si Daniel.

Ito rin, mabilis nahulaan ni Nay Lolit ang blind item ni Nay Cristy na isang singer/actress na mahilig mag-English ang nagtanim ng mga puno sa paligid ng kanilang bahay para hindi sila masyadong nasisilip ng mga dumadaang tao at kapit-bahay. Hehehe.

Hirit ni Nay Lolit, baka nga nagtanim ng puno para makalipad ang bird. Hahaha.

Mahilig din daw itong mag-English kaya natsismis noon na hindi sila nagka-intindihan ng consul ng US embassy kaya nagka-problema ito sa visa.

Pero para sa kanila, si Rosanna Roces ang walang utang na loob at maituturing na bobo dahil maraming biyayang pinakawalan. Sana raw kung marunong siyang tumanaw ng utang na loob at hindi pinabayaan ang buhay, sana respected actress pa siya hanggang ngayon.

Nanghinayang sila sa pinaka­walan nitong biyaya matapos nga siyang magkaroon ng chance sa showbiz mula sa pagiging dancer sa Pegasus.

Ngayon daw ay pakiramdam nila ay pinupulot nito ang mga ‘itinapon’ nitong  datung nung kalakasan nito sa showbiz.

Actually, ang gaan-gaan lang ng show. Para lang nagkukuwentuhan at nagtsi-tsismisan ng casual at walang camera ang Take It... per Minute! Kaya talagang si Nay Lolit sinasabi ang mga direct to the point niyang comment.

At in all fairness, ang daming nano­nood na galing abroad. Meron sa London, Amerika, Japan, Jedah, Canada at marami pang iba.

Nanghihinayang nga ni Nay Cristy dahil ngayon lang sila nagkasama sa isang show ni Nay Lolit. Dialogue naman ni Nay Lolit, kung noon pa sila nagkasama malamang magkaaway na sila ngayon. Haha.

Anyway, bukod sa Take It... Per Minute! napapanood din si Nay Cristy sa Cristy Per Minute... with Wendell Alvarez sa 92.3 and Cignal TV.

Marami pa silang napanood at napag-usapan na sila lang talaga ang puwedeng magkapag-bigay ng opinion.Kaya sa mga hindi pa nakapanood, watch na ng episode 5 ng Take It... Per Minute! sa Facebook Page ng Pilipino Star NGAYON.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

KAYE ABAD

ROSANNA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with