Lolit at Cristy
Mga kandidato parang namamasyal lang!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2019 - 12:00am

Halos araw-araw na ang lakad ng mga kandidato dahil malapit na ang eleksyon.

Sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Lito Lapid ang tingin ng tao, artista pa rin kaya dinudumog sila sa mga campaign rally na pinupuntahan nila.

Madalas din dalawin sa Camarines Sur ng mga kaibigan na artista sina Nonoy at Marissa Andaya.

Mabuti naman kahit paano busy ang mga artista sa kanilang paglilibot at kahit paano, napapasaya nila ang mga tao na naninirahan sa mga lugar na malalayo.

Exciting ang eleksyon ngayon. Okey naman ang mga kandidato kaya ang mga botante rin ang makikinabang.

Talagang may women’s power din dahil sina Grace Poe, Nancy Binay at Cynthia Villar pa rin mga topnotcher sa senatorial surveys.

Tuesday, special day!

Tuesday ang special day namin ni Cristy Fermin at Tuesday rin ang pinaka-abala na araw nina Tina Roa at Japs Gersin.

Dagdag trabaho para sa mga taga-Obra ni Nanay, ang art gallery ni Cristy ang ginagawang ‘studio’ ng Take It... Per Minute!

Malaki na ang abono ni Cristy sa mga ipinapaluto na pagkain kay Tina na ang sarap pala na magluto. Si Japs naman aligaga dahil lahat halos sa kanya itinatanong.

Suwerte  dahil ipinapagamit ni Cristy ang gallery ng Obra ni Nanay kaya malaki ang dapat ipagpasalamat ng Take It… Per Minute.

Tuwing Tuesday ang araw ng gulo at tsismis, Thursday ang beauty restday ko, bongga ang schedule ko na dapat alagaan ko para hindi magulo.

Mother Lily magaling na, present sa premiere ng Papa Pogi

Dumalo si Mother Lily Monteverde sa premiere night ng Papa Pogi noong Lunes ng gabi sa Trinoma Cinema.

Natuwa ako nang malaman ko ang balita dahil ang ibig sabihin, magaling na si Mother kaya puwede na siyang rumampa.

Pero dapat maging maingat pa rin si Mother dahil hindi na kami mga bagets, lalo na ngayon na tag-init na. Uso pa rin ang mga sakit dahil sa pabagu-bago na klima ng panahon.

Alex gustong tutukan ang pagdidirek

Showing ngayon sa mga sinehan ang Papa Pogi at wish ko lang, kumita sa takilya ang bagog comedy movie ng Regal Entertainment para lalong lumakas at sumigla si Mother Lily na natawa raw sa mga eksena ng pelikula.

Ang sabi ng mga nanood ng Papa Pogi, hindi nagkamali si Mother at ang anak nito na si Roselle sa big break na ibinigay kay Alex Calleja na walang karanasan sa movie directing pero pinagkatiwalaan ng mga produ ng Regal Entertainment Inc.

Hindi lamang direktor ng pelikula ng Regal si Alex dahil creative consultant din siya ng movie company nina Mother at Roselle.

Ito pala ang dahilan ng resignation ni Alex bilang writer ng It’s Showtime, creative consultant na siya ng Regal Entertainment Inc. at gusto rin niya na mag-level up ang kanyang career bilang komedyante.

Natupad agad ang dreams ni Alex dahil mula sa pagiging comedian at writer, direktor na siya ng pelikula.

CRISTY FERMIN MOTHER LILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with