^

PSN Showbiz

Kathryn Bernardo totodo sa pelikula nila ni Alden Richards

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn Bernardo totodo sa pelikula nila ni Alden Richards
Kathryn

Natuldukan na ang mga haka-hakang nagkahiwalay na diumano ang magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nagsalita na ang aktres tungkol sa isyu sa pamamagitan ng isang Facebook live kamakailan. “Sasagutin ko na ito kasi ang dami talagang tweets. Saan ba galing ‘yung news na ‘yon? Hindi talaga, sobrang saya namin ni DJ ngayon. Hindi porke’t hindi kami nagpo-post na magkasama kami, hindi ibig sabihin hindi kami okay. Privacy na lang namin ‘yung iba. Wala kaming problema, super okay kami,” paglilinaw ni Kathryn.

“Just to be clear, we are okay. Nothing to worry about. Wala talaga ito, I swear to God,” giit pa ng aktres.

Sa ngayon ay may kanya-kanya munang gagawing proyekto sina Kathryn at Daniel. Malapit nang simulan ang shooting ng pelikulang pagtatambalan ng aktres at ni Alden Richards. “I’m very happy kasi I said yes. Tinanggap ko itong project na ito with open arms. Gagawin ko siya 100% na kaya kong ibigay. Napa-proud ako sa sarili ko na nagawa ko ‘yon, malayo ‘yon sa comfort zone ko. Sabi ko I want to take this challenge. I have to do this for my growth,” paglalahad ng aktres.

Umaasa naman si Kathryn na muli siyang magkakatambal ni Daniel sa mga susunod na taon. “’Yan ang gusto naming ma-achieve. Para by the time na magka-reunion project kami, we are both ready individually. Feeling ko mas buo kami. I think this is the most challenging year for me. At the end of this year. Gusto ko ma-achieve ‘yung growth ko siguro individually. Kasi for the longest time, kami (ni Daniel) ‘yung magkasama. This year ‘yung pinakamalaking challenge sa akin and sa kanya kasi magkahiwalay muna kami. Not in real life but as a love team,” paliwanag ni Kathryn.

Angel Locsin at Eula parehong mahilig sa espada!

Mula pagkabata ay hinahangaan na ni Angel Locsin si Eula Valdez kaya masayang-masaya ang dalaga dahil nagkasama sila sa teleseryeng The General’s Daughter.

“I grew up watching Amor Powers (karakter ni Eula sa ‘Pangako Sa ‘yo). I’m a fan and now I’m still a fan. I can’t believe na now may opportunity ako na makasama siya at makita siya kung paano siya sa set, kung paano siya off cam,” bungad ni Angel.

Ayon kay Angel ay maraming mga bagay ang pagkakapareho nila ng beteranang aktres. “She’s the kind na nagko-collect ng mga swords at ng mga shuriken, may gano’n siya sa bahay. Ako naman knives, so may mga similarities kami talaga. ‘Pag nag-uusap kami bigla na lang kami magtitinginan, tapos matatawa kasi pareho ang iniisip namin,” nakangiting kwento ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with