^

PSN Showbiz

K drama fans ipon pa more, Gong Yoo darating din?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
K drama fans ipon pa more, Gong Yoo darating din?!
Gong Yoo

Napuno ang New Frontier Theater the other night para sa fan meeting session ni oppa So Ji-sub.

In all fairness, nasa hitsura na nagbabayad ang fans ng mga oppa na dumayo sa bansa para sa fan meeting. Makikita mo sa kanila na matured at madatung, mga nanay and titas of Manila.

Hindi na rin naman kasi bata si So Ji, 41 years old na siya but still single.

Minsan nga ang ibang fans nag-iisip na baka naman iba ang hinahanap ni Oppa na very Pinoy thinking. Hahaha.

Pero sa mga fan meeting na pinuntahan ko, ito ang parang pinaka-mabait. Parang sobrang appreciated niya ang warmness ng fans na dumagsa sa New Frontier.

Though sina Jung Hae-in and Lee Jong-suk mababait naman ang hitsura at appreciative, pero parang mas sincere si So Ji-sub na kinabaliwan namin ng kaibigang si Lynette sa K drama na Oh My Venus.

Bukod sa the usual ‘getting to know’ portion, pa-contest sa audience at may pa-advice portion, nag-mini concert si So sa second part ng So Ji-sub Hello Manila tour.

May ilang fans pa na nanggaling ng Bangkok, US at Taiwan.

Meron pang naka-wheelchair at talagang alam mong may pambayad ng more than P10,000 na tipong pagkatapos ng show ay kakain pa sila sa isang fancy restaurant at doon magkukuwentuhan ng kanilang hang over sa napanood na show.

Sina Jung Hae-in and Lee Jong-suk ‘di kasi kumakanta. Si So nagpapa-hip hop at humataw nga siya kasama ang tatlong rap singer sa isang mini concert with matching effects sa screen kaya nag-enjoy ang lahat. At bumaba pa siya sa stage.

Bago ang Hello Manila, a night before, ay nagkaroon na rin ng concert ang isang member Wanna One. At halos mapuno rin daw ang Araneta Coliseum. Mga bagets naman  ang market nito.

Ang susunod daw na darating dito sa  Manila ay si Gong Yoo na super idol nina Anne Curtis and Sharon Cuneta.

Nakalinya na rin diumano si Ji Chang-wook na si Jinkee Pacquiao pa ang producer.

Kasalukuyan pang nasa military training si Ji Chang na kinababaliwan naman ni Mrs. Manny Pacquiao.

Balitang darating din ang grupong BTS na siyempre ay hindi basta-basta ang magiging presyo ng ticket.

At siyempre naka-schedule next month si Park Bo-gum.

So saan ka pa? Ubos ang datung ng fans. Hahaha.

Paano pa sila manonood ng pelikulang Tagalog. Malamang ang mga ito ang nawala sa market ng mga nanonood ng sine.

Kasi ang pinagkakaabalahan nilang panoorin, mga K drama.

Dapat sigurong mag-iba ng approach or slant ng promo ang mga pelikula natin para magkaroon uli ng excitement sa mga nanonood. Or baka naman kasi nagsasawa na rin dahil over expose na ang iba sa social media and TV.

Anyway, basta ang isang klaro hindi mapigilan ang paglawak ng Korean invasion sa ating bayan.

vuukle comment

GONG YOO

SO JI-SUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with