Angel may naiisip nang concept para sa kanila ni nadine!
Kamakailan ay nabanggit ni Nadine Lustre sa isang pahayag na gusto umano ng aktres na makasama sa isang proyekto si Angel Locsin. Napanood naman ni Angel ang naging pahayag ng aktres kaya nagbigay ng reaksyon tungkol dito. “Napanood ko nga, well ibang level din naman. Bilang hindi naman ako millennial, na na-mention ng isang millennial di ba?” natatawang bungad ni Angel.
“It’s an honor especially galing pa kay Nadine. I’m excited kung sakaling matuloy ‘yon,” dagdag pa ng aktres.
Ayon kay Angel ay mayroon na rin siyang naisip na konsepto kung sakali mang matuloy ang paggawa nila ng pelikula ni Nadine. “May mga konsepto na ako sa utak ko kung ano ang maganda. Marami kasing nagsa-suggest na pwedeng parang ‘So Close’ or ‘Sisters’ na parang gano’n ‘yung dating. Tingnan natin kasi si Nadine alam ko very creative siya. So malamang meron siyang mga ideas na puwedeng i-pitch din. Pero unang-una, sino bang magpo-produce? ‘Yon lang, ‘yon ang tanong eh,” nakangiting pahayag ni Angel.
James mas gusto ang hindi planadong bakasyon kasama si Nadine
Hilig talaga ng magkasintahang sina Nadine Lustre at James Reid ang magbiyahe upang makapagbakasyon. Para kay James ay kinakailangan ng mga artistang katulad nila ni Nadine na nakapagpapahinga mula sa trabaho kapag mayroong pagkakataon. “I don’t really like to plan it. It’s always better when it’s spontaneous. But something that I’ve learned is that you never really know when the journey is over. It’s something you kind of figure out along the way. But it should be hard. Nothing great comes easy,” bu-ngad ni James.
Ayon sa aktor ay mas masarap na magbakasyon na kasama ang kasintahan. Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon sina Nadine at James at kamakailan ay umamin na magkasama na sa iisang bubong ang magkasintahan. “Yes I always travel with Nadine. I also can’t leave without my camera to take photos and stuff, walking around, taking photos, seeing places. And of course I need my girlfriend because she brings everything else. She’s got me covered,” natatawang pahayag ni James.
Maraming mga lugar na ang napuntahan ng magkasintahan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. “I’d have to say, it would have to be that one time I did a road trip and I did La Union, Baguio and Hundred Islands in Pangasinan in five days. It’s not so much the destination or where I went, it was the memories that I had and the fun times that we created,” makahulugang paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest