Michael na-starstruck kay Dawn
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Aminado si Michael V na na-starstruck siya nang mag-first shooting day sila ni Dawn Zulueta para sa pelikulang Family History. Yup, naka-two shooting days na sila at so far maligaya si Michael na natupad ang dati ay iniisip at pinapangarap lang niya.

Dati ay pinag-uusapan lang nila ng wife niyang si Carol Bunagan ang pelikulang si Michael ang producer, director, bida, writer, etc. pero ngayon ito na, ginagawa na nila with Dawn.

Yup, co-producer ng GMA Productions (film arm ng GMA Entertainment) si Michael sa nasabing pelikula na target ipalabas sa June 19 (Wednesday) or June 21 (Friday) kung magbabago ang schedule sa pagbubukas ng mga Tagalog film sa mga sinehan.

Matagal ding nagha­hanap ng right project ang GMA 7 pero nang makita nila ang concept ni Michael, agad-agad nilang inayos. “Ganun kaganda  itong material ni Bitoy / Pepito Manaloto,” ayon kay Ms. Redgie Magno.

Hindi rin naniniwala si Michael V. na mahina ang Tagalog films.

Pakiramdam niya depende sa pelikulang ipapapanood mo kung kikita ito.

Puring-puri din nila si Dawn na very involve daw sa kanyang character. “Collaborative siya eh,” ang sabi ni Michael.

Pero dahil nga sa sobrang pagka-starstruck ni Michael, parang kailangan pa siyang kalabitin ng kanyang misis para ‘magising.’

Acting wise wala silang naging problema with Dawn. Kung meron man silang take two sa mga eksena, incidental na lang.

Sabi pa ni Michael, nahihiya pa nga raw siya dahil mas magaling pa itong mag-memorize ng mga dialogue.

Complicated na not so complicated ang kuwento ng movie ayon kay Michael V. na ayaw niyang magbigay ng hint kung ano ba talaga ang genre nito.

Ang entertainment group ng GMA 7 headed by Ms. Lilybeth Rasonable with Ms. Bang Arespacochaga and Ms. Redgie Magno ang in charge sa GMA Productions.

After Family History ay may mga naka-line up na silang mga ibang project.

But for this year, ito munang Family History ang movie nila pero sa 2020, gagawa pa sila ng marami. Willing din sila na mag-produce ng mga pelikulang bida ang artista nila na ka-partner ang Kapamilya stars na tulad sa Alden Richards / Kathryn Bernardo movie.

DAWN ZULUETA MICHAEL V
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with