Terii
Terii
Babaeng nalulong sa droga, ipapakita kung paano nagbago
(Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ngayong Sabado, panoorin ang napapanahon at totoong kwento ni Mawi - isang ina na hindi sumuko at ginawa ang lahat upang ma­bawi ang kanyang anak na si Erika sa kamay ng malaking sindikato ng droga.

Pangarap ni Erika na makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para iahon sa hirap ang kanyang pamilya. Suportado siya ng kanyang mga magulang na sina Mawi at Esteban, maging ng kanyang Ate Jennifer.

Pero isang araw, naghiwalay ang kanyang mga magulang dahil sa pambababae ni Esteban. Sinundan ni Erika si Esteban para pauwiin. Sa kasawiang-palad, siya ay ginahasa ng apat na adik at iniwan sa daan para mamatay. Nahuli ang mga suspek at nanalo si Erika sa kaso. Subalit, hirap siyang kalimutan ang trahedyang nangyari. Ang masaklap pa, binu-bully pa siya sa eskwelahan dahil sa nangyaring gang rape sa kanya. Lalo ring gumulo ang pamilya ni Erika kaya ang tanging kinapitan ni Erika ay ang kaibigang si Richie.

Itinatampok ang mga batikang Kapuso stars na sina Lotlot de Leon bilang Mawi, Therese Malvar bilang Erika, Gerald Madrid bilang Esteban, Andrew Schimmer bilang Jason, Nikki Co bilang Richie at Angela Evangelista bilang Jennifer.

Sa ilalim ng mahusay na direksyon ng award-winning indie director na si Adolf Alix Jr., mula sa pananaliksik at panulat ni Karen P. Lustica.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with