Dingdong
Alden magiging Dingdong na rin
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Baka sa ibang network at hindi sa GMA makuha ni Alden Richards ang hinahangad niyang pagkilala bilang aktor. Tulad din ng nangyari kina Jennylyn Mercado at Dingdong Dantes nun na binigyan ng magagandang pelikulang ng kalabang network ng GMA, ang ABS-CBN.

Kaya naman marahil hindi siya ipinagdamot ng Kapuso Network sa Kapamilya. Kay Kathryn Bernardo pa siya ipapareha na alam ng marami ay may napaka-matagumpay na KathNiel. Paano makakatanggi ang GMA sa ganito kagandang offer sa kanilang pinangangalagaang aktor? At kung si Cathy Garcia Molina pa ang magiging direktor ng movie, nakasisiguro na sila ng isang maganda at box office hit.

Sa Hong Kong pa ang magiging location ng film pero hindi pa nasisimulan ang shooting ng untitled movie.

Meron pa bang mas maswerteng matatanggap si Alden bukod dito?  

Vhong paborito sa casino

Ano kaya ang ginagawa ni Vhong Navarro sa kanyang mga show? Paborito siya ng Casino Filipino na kunin para aliwin ang mga dumarayo at naglilibang sa kanilang branches sa buong bansa.

Alam ng lahat na isang  magaling na dancer si Vhong at nakagawa na rin ng recording at mga box-office films  kaya, sigurado song and dance act siya na tiyak kinagigiliwan dahil bakit ba nila siya kukunin ng CF hindi lamang para sa ilang mga show kundi sa lahat ng mga palabas nito?

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with