Choko­leit
Choko­leit
Chokoleit pinaglaruan ang mga kaibigan sa huling lamay
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

SEEN: Napaiyak si K Brosas nang kantahin niya ang The Warrior Is A Child sa huling gabi ng lamay para kay Chokoleit sa Paket Santiago Funeral Homes noong Huwebes nang gabi. Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang isa sa kanyang matatalik na kaibigan.

SCENE: Parang “pinaglaruan” ni Choko­leit ang kapwa singer at stand up comedian na si Anton Diva dahil hindi nito natapos awitin ang Leader of the Band. Tatlong beses na huminto ang minus one music na ginamit ni Anton na nagbiro na pinaglalaruan siya ng MNR (Mahal Na Reyna), ang tawag kay Chokoleit ng kanyang mga kaibigan.

SEEN: Mabigat man sa kanyang kalooban, nagdesisyon nang huwag sumali sa Bb. Pilipinas 2019 si Winwyn Marquez para mag-concentrate sa kanyang showbiz career at mga advocacy. Kasama si Winwyn sa Top 15 finalists ng Bb.Pilipinas noong 2015 at nanalo siya na Reina Hispanoamericana Filipinas  sa Miss World Philippines 2017. Nagwagi siya na Reina Hispanoamericana na ginanap sa Sta. Cruz, Bolivia noong November 4, 2017.

SCENE: Kahapon ang unang appearance ni Janine Gutierrez sa Dragon Lady, ang afternoon prime ng GMA 7.

SEEN: Itinanggi ni Subic Mayor Jefferson “Jay” Khonghun ang akusasyon ni President Rodrigo Duterte na sangkot siya sa narco politics.

“Hindi na po namin kailangan gawin na magprotekta ng droga or maging drug lord dahil hindi naman po kami ganoon kahirap. At isa pa po, matagal na rin pong nangongontrata ang aking ama bilang contractor bago siya pumasok sa pulitika,” ang depensa ni Khonghun.

SCENE: Nagkaroon ng showbiz color ang kontrobersya na kinasasangkutan ni Mayor Jay Khonghun dahil sa relasyon niya kay Aiko Melendez.

SEEN: Mga binata na ang mga anak ni Gelli de Belen at dalaga na ang mga anak ni Bayani Agbayani kaya puwede na sila na manood ng Pansamantagal, ang pelikula ng kanilang mga magulang na binigyan ng MTRCB ng R16 Classification dahil sa mga “brutal” na lengguwahe ng mga bidang artista. Ang comedy movie na Papa Pogi ang Tagalog movie na makakatapat ng Pansamantagal sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa March 20, 2019. Ang Papa Pogi ang launching movie ng rock singer na si Teddy Corpuz.

CHOKO­LEIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with