Binibini candidates nalusutan ng transwoman!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Gustong maging Catriona…

Kahapon ang last day ng application sa Binini­bing Pilipinas 2019, dahil sa March 18 ang screening at kinabukasan ay pipiliin na ang official candidates. Hindi pa raw sure kung 40 o 50 candidates ang pipiliin dahil marami raw talagang magaganda at promising.

Malaki raw kasi ang pressure sa kanila pagkatapos magwaging Miss Universe ni Catriona Gray. Kailangan daw magka-back to back. Mahigpit daw ngayon ang application lalo na sa screening dahil ang isa talaga sa requirements, dapat ay ‘natural-born woman’.

Ang isa ko pa kasing nababalitaan, may nakakalusot na transwoman na mas maganda pa sa mga tunay na babae. Meron nga raw na napakaganda na mala-Rachel Peters ang beauty, pero dati palang lalaki!

Bukod sa birth certificate, may medical certificate pa, at pati litrato nung bata ay kina­kailangang mag-submit. Siyempre, kung isa ka ngang transwoman, mabubuking naman sa mga child photos mo dahil boy ka talaga.

Nakausap ko nga ang kilalang mentor at trainer ng mga beauty queens na si Rodgil Flores, hindi naman daw talaga puwede rito sa atin ang transwoman dahil hindi pa legalize ang magpapalit ng identity, pati na ng mga official documents.

Samantala, nagpahayag na si Winwyn Marquez sa kanyang Instagram account na hindi siya puwedeng sumali sa Binibining Pilipinas ngayon dahil sa commitment sa ilang endorsements at may gagawin pa siyang soap sa GMA 7.

 Gelli at Ariel nag-alaga  ng aso para ‘di masyadong ma-miss ang mga anak

Aligaga ngayon si Gelli de Belen sa promo ng pelikula nila ni Bayani Agbayani na Pan­samantagal na magsu-showing na sa March 20.

Pagkatapos daw ng showing nito ay naka-schedule ang aktres na lumipad pa-Canada para ayusin ang anak niyang si Joaqui na magsisimula nang mag-training sa pagkapiloto. “Ang first year niya kasi sa main campus. Ang second year niya, pupunta na siya dun sa airport area na school.

“So, ngayon kailangan niyang kumuha ng bahay, ganun,” kuwento ni Gelli nang nakapanayam namin sa mediacon ng pelikulang Pansamantagal. Aminado ang aktres na mahirap sa kanila ni Ariel na malayo sa kanila ang  dalawang anak na nag-aaral sa Canada.

Tinatapos ni Joaqui ang pagka-piloto, at si Julio naman ay nag-aaral ng kursong Kinesiology.

Doon daw kasi gusto ng mga anak nila, ayaw nila rito sa Pilipinas.“Napakahirap. Pero we also have to give our children wings so that they can fly.

“So, yun na lang ang iniisip ko kahit nasasaktan ako kapag kausap ko sila,” saad ng aktres.

Tanggap na raw nila ni Ariel na eventually, iiwan na sila ng mga anak nila dahil may sarili na silang buhay.

“Alam mo yun na ang reality namin ni Ariel nga­   yon, parang there’s emptiness, because kaming dalawa na lang ang magkasama sa bahay. Mabuti nga nakaisip kaming kumuha ng aso,” pahayag ni Gelli.

May bahay daw sila sa Canada, pero kailangan nila rito sa ating bansa dahil dito ang kanilang showbiz career. “Sabi ko nga sa kanya (Ariel), talagang you really have to choose well.

“Choose your husband properly or your wife, kasi at the end of the day, pag may anak na kayo, pag malaki na sila, kayo pa rin eh,” dagdag niyang pahayag.

Mabuti at hindi naman daw sila nawawalan ng trabaho, kagaya nga nitong pelikulang Pansamantagal na nakakapagbida pa siya.

BININI­BING PILIPINAS 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with