^

PSN Showbiz

Angelica Panganiban ayaw na uling makatrabaho si Carlo Aquino!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica Panganiban ayaw na uling makatrabaho si Carlo Aquino!
Carlo at Angelica

Hindi itinatago ni Angelica Panganiban ang inis kay Carlo Aquino na ang akala talaga ng lahat ay magiging sila uli.

Pero naudlot nga ang lahat hanggang may lumutang na babae na diumano ay nililigawan ni Carlo o dyowa na ba na hindi niya (Carlo) kinumpirma.

Nagpakatotoo rin si Angelica na hindi na rin niya kayang makatrabaho si Carlo na inaakusahan ngayong ginamit lang siya para buhayin ang career. “Hindi na muna siguro. Panahon ang makakapagsabi. Kung buhay pa siguro ako nun,” pahayag ni Angelica sa farewell presscon ng pinagsamahan nilang teleserye sa ABS-CBN na Playhouse na mapapanood hanggang next week na lang.

Bago ito ay naging box-office hit ang pelikula nina Angelica at Carlo na Exess Baggage kaya pagkatapos nun ay sinama ang actor sa Playhouse na originally ay pinagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo.

Umingay ang naudlot na balikan nila dahil nga sa mga post ni Angelica sa social media na sweet-sweetan sila ng actor as if sila na uli.

Pero nadismaya ang lahat nang mag-umpisa na si Angelica na mag-emote sa social media rin na turuan siyang maka-move on sa ex hanggang kumalat na nga ang photo ng sinasabing real GF ng actor.

Actually, marami silang napaniwala na sila na nga. Nagkaroon pa nga sila ng endorsement together.

Pero mali pala at siya pa ang lumalabas na sinisisi sa nangyari dahil nga umasa raw ang actress.

Ayon kay Angelica, matagal na silang walang communication ng actor.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with