Ion
Vice Ganda at Ion Perez live in na?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2019 - 12:00am

Wow live in na raw sina Vice Ganda at ang It’s Showtime Kuya Escort na si Ion Perez.

Yup, ayon sa isang source, nagsasama na raw sa iisang bubong ang dalawa at ito raw ang nagpapaligaya ngayon kay Vice.

Maging si Ion daw ay hindi na inililihim ang kanilang diumano’y relasyon sa sikat na komed­yante.

Nadulas na dati si Kuya Escort sa ere nang tawagin niyang ‘lab’ si Vice.

Umamin na rin daw ang dalawa sa ilang kaibigan.

Hindi pa natatagalan nang mag-heartbroken si Vice sa PBA player na si Calvin Abueva.

So live in nga kaya sila?

Star Cinema hindi pinahirapan ni Alden Richards

As early as October pala ay nakikipag-negotiate na ang Star Cinema sa kampo ni Alden Richards para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo. Kaya hindi raw talaga biglaan ang lahat.

Hindi co-producer ng Star Cinema ang GMA Films sa still untitled film ng tambalang KathDen. Ang Star Cinema lang daw ang producer at hindi sila nahirapang makipag-negotiate sa kampo ni Alden. Wala rin daw naging masyadong demand ito. Mga next week daw ayon kay Eric John Salut, publicist ng Star Cinema, malamang ay may title na ang pelikulang iso-shoot sa Hong Kong.

Pero hindi pa raw pinag-uusapan kung makakapag-promote si Alden sa Kapamilya shows pag magso-showing na ito.

ALDEN RICHARDS VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with