^

PSN Showbiz

Maja Salvador parang handa nang pakasal

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Maja Salvador parang handa nang pakasal
Maja

Kinain ni Maja Salvador ang kanyang sinabi noon na hindi umano siya ang tipo na nakikipagbalikan sa kanyang naging ex-boyfriend. Ang sinabing ito ni Maja ay kanyang binali matapos maki­pagbalikan sa kanyang young businessman ex-boyfriend na si Rambo Nuñez kamakailan lang na naging kasintahan niya nung 2010.

At 30, mukhang handa na rin si Maja na harapin ang next phase ng kanyang personal na buhay.

Bukod sa kanyang uncle na si Phillip Salvador at pinsang sina Jobelle Salvador at ang actor-director na si Ricky Rivero, si Maja ang pinaka-active sa showbiz na nagmula sa kilalang Salvador clan.

Daniel at Maine hinihiritan na rin ng pelikula

Pasabog na maituturing ang unang tambalan sa pelikula ng Kapamilya at Kapuso stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nakatakdang idirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa bakuran ng Star Cinema. Walang mag-aakalang posibleng magkatambal ang dalawa dahil bukod sa pagiging Kapamilya, very much identified si Kathryn sa kanyang ka-loveteam at boyfriend na si Daniel Padilla habang si Alden naman na isang Kapuso at bahagi ng phenomenal love team na AlDub.

Ang wala pang titulong pelikula nina Kathryn at Alden ay kukunan sa HongKong simula sa susunod na buwan. Parehong OFW ang gagampanang role ng dalawa na malamang tawaging KathDen ang una at bagong tambalan nila.

Dahil sa confirmed team-up nina Kathryn at Alden, marami naman ang nag-suggest na sana’y pagtambalin din sina Daniel Padilla at Maine Mendoza sa isang pelikula na tiyak ding nakaka-excite ang team-up kung ito’y mangyayari balang araw.

Magmula nang mabuo ang team-up na KathNiel nina Kathryn at Daniel ay second movie na bale ni Kathryn without Daniel ang unang tambalan nila ni Alden. Nauna na rito ang Three Worlds to Forever nung isang taon na siyang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Si Daniel naman ay nakagawa na rin ng tatlong movies na hindi niya kasama ang ka-loveteam at kasintahang si Kathryn. Nariyan ang Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak with Robin Padilla in 2014, ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo also with Daniel’s Tito Robin at ang 2017 Metro Manila Film Festival movie na Gandarrapiddo: The Revenger Squad na tinampukan nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with