Chair Rachel favorite si Coco
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 13, 2019 - 12:00am

Utang ni Claudine kay Jinkee gustong bayaran ni Gretchen?! ; Katawan ni Chokoleit sinakay sa ‘dump truck’

Wow, naka-fourth episode na ang Take It... Per Minute hosted by Nay Cristy Fermin and Nay Lolit Solis.

Ang saya at ang gaan lang na parang nagkukuwentuhan lang ang dalawang beterana sa showbiz talkshows.

Tulad sa mga naunang episode, patok ang mga balita, tsismisan, comment and opinion nina Nay Lolit at Nay Cristy kaya hinihiritan na silang mag-main stream.

Anyway, nang mapag-usapan nila ang tungkol sa demanda ng kapatid ni Gabby Concepcion sa kanya dahil diumano sa pamemeke ng aktor ng pirma ng kanilang ina para maangkin ang lupaing pag-aari nito, humirit si Nay Lolit na pakiramdam niya ay hindi ‘yun magagawa ni Gabby. Mas hilig lang daw nitong magpakasal at mag-anak nang mag-anak na hindi nagbibigay ng sustento. Sabay tawa niya. Baka raw misinformed lang daw ang kapatid ni Gabby.

Pero sabi nga ni Nay Cristy ‘yun naman ang kasong iniharap kay Gabby. Maging ang tungkol sa mga de latang kinukuha noon ni Gabby sa bahay nila ni Sharon pag malapit nang ma-expire na inuuwi ni Gabby ay naungkat.

Pero true kaya ang pinag-usapan nilang isinakay ang bangkay ni Chokoleit sa isang dump truck para mapadali ang pag-uuwi ng katawan nito sa Manila? Pero paliwanag ni Nay Lolit, hindi ibig sabihin ay may basurang laman ang nasabing truck. Diumano pag sinakay pa sa funeral car, maraming dokumentong kakailanganin.

Wala namang confirmation sa nasabing kumakalat na kuwento, pero ang isang sigurado ayon kay Nay Cristy, hindi ito na-nagkaroon ng heat stroke. Malamig daw ang venue sa Abra at maging ang stand-by area ay air conditioned.

Isa pang pinag-usapan nila ay si JK Labajo na maalala ngang nagmura nang may magbanggit ng pangalan ni Darren Espanto. Tinawag niya rin kasing kupal ang mga reporter.

Naging guest din nila si MTRCB Chair person Rachel Arenas na favorite pala si Coco Martin.

First time nakita ni Nay Cristy si Chair Rachel na akala niya ay malaking babae pero nang makita niya ay hindi naman pala.

Marami ring viewers ang nagandahan sa hepe ng Movie and Television Review and Classification Board.

Natanong din siya kung totoo bang may ilang board member na mga tamad pumasok? Sabi ni Chair, ang ibang member kasi ay galing pa sa iba’t ibang probinsiya.

At sa mga programa raw sa TV, ang PBB ang pinaka-maraming reklamo silang natatanggap.

Dumating din si senatoriable Atty. Chel Diokno na tatay pala ng direktor na si Pepe Diokno. Kumakandidatong senator si Atty. Diokno na De La Salle University College of Law founding dean at isa sa 10 anak ni late senator and Commission on Human Rights founding chair Jose “Pepe” Diokno.

Simple lang si Atty. Diokno at pabor siya sa pagtatatag ng film commission sakaling magwagi siya.

Binalikan din nila ang issue kina Jinkee Pacquiao and Claudine Barretto kung saan napag-usapan nga nila sa second episode ng Take It... Per Minute! na maraming pumik-up.

Ang tanong nga nila, magkano nga ba ang utang ni Claudine kay Jinkee?

Pinatatanong daw kasi ni Gretchen. Oh babayaran kaya niya?

Tutok na tuwing Martes sa Take It... Per Minute! every Tuesday sa Pilipino Star NGAYON Facebook page. Ang saya lang at pinag-uusapan na.

CRISTY FERMIN LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with