^

PSN Showbiz

JM, napansing mabigat ang aura ni chokoleit nung huling gabi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM, napansing mabigat  ang aura ni chokoleit  nung huling gabi
JM

Isa si JM de Guzman sa mga huling nakasama ni Cho­koleit noong Sabado ng gabi bago namatay ang komedyante dahil inatake sa puso. Kabilang ang dalawa sa mga artistang nag-show sa Abra noon. Ayon kay JM ay talagang napansin niya na parang may kakaiba kay Chokoleit noong naghahapunan pa lamang sila. “No’ng dumating siya parang medyo mabigat na ‘yung aura niya. Parang may dinadala, not his usual self na parang jolly. So inisip ko baka pagod lang,” bungad ni JM.

Hindi man napanood ng aktor habang nagtatanghal si Chokoleit sa entablado ay napakinggan naman daw ni JM kung gaano kasaya ang mga nanood sa komedyante noong gabing iyon. “Malaki ‘yung stage. In-effort niya na ma-ignite ‘yung audience. Naririnig namin ‘yung sigawan ng mga tao. He was doing his very best,” kwento ng aktor.

Ikinalungkot ni JM at ilan pang mga kasamahan sa show nang malamang hindi na umabot ng buhay si Chokoleit nang isugod ng ambulansya sa ospital. “Positive pa ako no’n na baka fatigue lang or whatever. Tapos pumunta na sina Miss Pops (Fernandez), Coleen (Garcia). After ng performance ko, pagbabang-pagbaba ko ng stage, medyo tahimik nga. Pagpasok ko sa van, binalita na sa akin ng road manager ko na hindi na siya na-revive,” malungkot na pahayag ng binata.

“I feel down pero at the same time, I know he’s in a happy place. Marami siyang napasa­yang tao, isa na nga rin ako doon. He will be missed,” dagdag pa niya.

Related video:

Nonoy, gustong maka-showdown sina Morisette at Jona

Bihira nang mag-perform si Nonoy Zuniga dahil abala sa pagi­ging doctor at negosyante. Pagmamay-ari ng singer ang Piel Acne and Anti-Aging Center sa Cebu. “I really like health, beauty and music. I have friends there in Cebu. My friends asked me to join in that business. So sabi ko sige lang, kaya ako napunta do’n. May clinic kami doon sa Cebu kaya madalas ako doon nga­yon,” pagbabahagi ni Nonoy.

Kahit hindi na madalas nagkakaroon ng show ay hindi naman daw nangangahulugang magreretiro na sa pagkanta ang OPM icon. “Madalas din akong abroad ‘cause my family, mga anak ko nando’n. Tapos dito, Cebu and Manila. If I’m not busy in Showbiz, nando’n ako sa health and beauty business. Kapag wala talaga I just rest and relax. Less pressure, that doesn’t mean I’m retiring. I need more time lang to rest and just ponder about what’s coming next,” pag­dedetalye ng singer.

Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ni Nonoy ang mga biriterang sina Jona at Morisette. “I watched them perform already. I heard their voices. I like their styles and I think it will be a very good blend, my voice and their voices, maganda. And they don’t just sing younger songes eh. They sing songs na talagang pang sa magulang nila. Bagay din eh, they can also adjust that’s why I like them,” nakangiting pahayag ni Nonoy.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with