^

PSN Showbiz

Probinsyano tuloy ang pamamayagpag

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Probinsyano tuloy  ang pamamayagpag
Coco

Nagkamit ng average audience share na 45% ang ABS-CBN o 15 na puntos na lamang kumpara sa GMA na nakakuha  ng 30%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Katulad noong Enero, siyam na Kapamilya programs ang pasok sa listahan ng top ten most watched shows nationwide na pinapangunahan ng FPJ’s Ang Probinsyano na nakakuha ng 42.3%.

Sinundan ito ng  TV Patrol (31.3%), ang World of Dance Philippines (31.3%) bilang pinakapinapanood na weekend program sa bansa.

Patuloy ring tinatangkilik ang The General’s Daughter (30.6%), habang ang Maalaala Mo Kaya (25.1%) ay tinutukan ng viewers.

Maraming viewers din ang kumakapit tuwing weekend sa episodes ng  Home Sweetie Home Walang Kapares (22.9%) at Wansapanataym (22.7%) noong Pebrero, habang marami pa rin ang naaakit na viewers sa  Halik (22.3%). Samantala, unang beses naman pumasok sa top 10 ngayong 2019 ang Rated K Handa Na Ba Kayo (21.6%).

Sa Metro Manila ay nakakuha din ang Kapamilya Network ng average audience share na 43% at sa Mega Manila ay 36%. Pinanonood din ang Kapamil­ya network sa Total Luzon, Total Visayas at Total Mindanao.

Ayon pa sa Kantar, ang ABS-CBN din ang nanguna sa lahat ng timeblocks noong Pebrero, patikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN). Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers. 

Speaking of Probinsyano, ang nasabing programa nga siguro ang dahilan kung bakit mataas sa survey si Lito Lapid.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with