^

PSN Showbiz

Heart Creative Director na rin

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart Creative Director na rin
Heart

Bongga si Heart Evangelista. Kahapon ay formal na siyang ini-launch ng Kamiseta apparel bilang creative director.

“You all know that Kamiseta is a brand that’s close to my heart. I had the best time collaborating with them for #LMxKamiseta last year. Well, today (yesterday), I have a huge announcement – I am going to be @kamisetaph’s creative director! I’m so overjoyed to be part of this family,” sabi ni Heart sa kanyang IG post.

Kaya pala nung isang araw, parang scarf lang ang suot niya ‘yun pala siya ang nag-design. Worth P1500 daw ang nasabing scarf na pang-fashion statement.

Ang narinig kong kuwento, wala raw talent fee si Heart pero tama bang may commission siya sa mga produktong idi-design niya for them?

Dapat talagang tularan si Heart ng ibang mga artistang bugbog sa bashing.

Hindi niya talaga binigyan ng chance ang mga ‘yun na wasakin ang buhay niya at mas tinutukan ang kanyang ‘fashion career.’

Imagine kung nagpadala siya at nagpaapekto, sana nagkaroon pa siya ng depression. Ngayon ang tawag sa kanya ay Queen of Art Collaboration.

Marami kasing mga artista ngayon ang ‘patol queen’ as in kinakarir ang pagsagot sa bashing na wala naman katuturan at hindi naman nila kakilala.

Actor na may matinding problema, hindi makalantad ng kabadingan

Shocking naman ang kuwento ng isa kong friend na bading pala ang isang troubled actor.

Yup, for a while ay naging dyowa ni high profile gay si troubled actor. Nagkaroon sila ng informal relationship. Alam diumano ng mga magulang ng actor ang naging ‘relasyon’ nila. Maging ang kapatid daw ni actor ay nakasama ni high profile gay  sa kanyang (bading) bonggang resort.

Pero in all fairness hindi raw nadatungan ni actor ang rich gay pero nai-shopping at pinagluluto ng mga mamahaling steak ang pamilya ni actor.

At nang ma-discover nga raw ng rich gay na bading at adik pa ito, kinalasan niya ito.

Natakot daw siya (bading) na baka mati­yempuhan sila ng mga pulis na may karga at madamay pa siya sa problema ng actor.

Naka-move on na ang rich gay friend namin sa nangyari sa kanila. Pero ang actor, hindi pa rin nakaka-recover at malaki pa rin ang problema.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

KAMISETA APPAREL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with