Mga anak ni Paolo Contis nakasuwerte sa bagong tatay
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2019 - 12:00am

Suwerte rin ng ex wife ni Paolo Contis na si Lian Paz. Nakakuha siya ng bagong partner na mahal na mahal ang anak nila ni Paolo.

Kahapon nga ay nag-birthday ang dalawang anak ng dating mag-asawang sina Paolo at Lian at super sweet ang message ng businessman partner ni Lian na si John Cabahug sa dalawang bagets na tinuturing na niyang mga tunay na anak. “Happy Birthday Xonia and Xalene! I’m always thankful for having you girls in my life. Angels ko kayo! weekend ulit tayo celebrate ha. Mahal na mahal ko kayo mga inday,” sabi ni John sa kanyang Facebook post.

May anak din si John sa pre­vious relationship pero may sariling anak na rin sila ni Lian.

Maging si Paolo ay may sari­ling anak na kay LJ Reyes.

Matagal na silang hiwalay at matagal na ring nakatira sa Cebu ang mag-iinang Lian, Xonia and Xalene sa piling ng successful businessman na si John na da­ting basketball player.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with