Lorna T.
Lorna Tolentino inaabangan na kasama si Coco Martin
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2019 - 12:00am

SEEN: Sinuportahan ni Marco Gumabao ang special screening ng Maria sa Cine Adarna ng UP Film Institute noong Miyerkules nang gabi. Ang Maria ang action movie na pinagbibidahan ni Cristine Reyes at si Marco ang isa sa mga kapareha ni Nadine Lustre sa pelikulang Ulan na Viva Films din ang producer.

SCENE: Dalawa ang red carpet premiere ng Ulan sa March 11, sa SM Megamall Cinema at Trinoma Cinema na Parehong pupuntahan nina Nadine Lustre, Marco Gumabao, AJ Muhlach at Carlo Aquino.

SEEN: Bihag ang final title ng afternoon drama series ng GMA-7 na tinatampukan nina Jason Abalos, Max Collins, Sophie Albert at Mark Herras. Ganti at Stolen ang working titles ng Bihag na mapapanood sa Kapuso Network sa April 2019.

SCENE: Markado ang mga karakter na ginampanan nina Ronnie Lazaro at KC Montero sa Maria na magkakaroon ng sequel. Tiniyak ni Maria director Pedring Lopez na uumpisahan ang shooting ng sequel bago matapos ang 2019.

SEEN: Hindi nakadalo si KC Montero sa presscon ng Maria noong Miyerkules, dahil may hosting job siya sa Thailand. Wala rin sa presscon si Ivan Padilla dahil may taping ito para sa Playhouse, ng ABS-CBN.

SCENE: “Nagkataon lang” ang magkasabay na sagot nina Pedring Lopez at Cristine Reyes sa obserbasyon na paborito ng direktor ang pangalan na Maria. Ang Japanese adult actress na si Maria Ozawa ang leading lady ni Cesar Montano sa Nilalang, ang official entry ni Lopez sa 41st Metro Manila Film Festival noong December 2015.

SEEN: Aliw na aliw si Lian Paz sa kanyang mga anak na sina Xonia at Xalene dahil may slang ang pagsasalita ng Cebuano dialect ng dalawang bata. Limang taon nang naninirahan sa Cebu ang mag-iina.

SCENE: Si Suzette Doctolero ang headwriter ng Sahaya, ang upcoming primetime television series ng GMA-7. Kinumpirma ni Doctolero na halaw sa mga tunay na pangyayari ang kuwento ng programa nina Bianca Umali, Migo Adecer at Miguel Tanfelix.

SEEN: Ikinukumpara si Senator Ping Lacson sa mga showbiz reporter dahil sa kanyang mga intriguing blind item tungkol sa mga senador na hindi niya iboboto sa May 2019.

SCENE: Lily ang pangalan ng karakter ni Lorna Tolentino sa special participation niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Ilang gabi nang inaabangan ng supporters ni Lorna ang mga eksena niya sa primetime action drama series ni Coco Martin.

COCO MARTIN LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with