^

PSN Showbiz

James Reid at Nadine Lustre bibida sa fantaserye!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
James Reid at Nadine Lustre bibida sa fantaserye!
Jadine

Last February 11 ay nag-celebrate ng kanilang ika-3rd anniversary bilang mag-sweetheart sina James Reid at Nadine Lustre sa isang lugar sa Batangas kung saan sila pareho nagpa-special body scrub and massage.

It was in their sold-out February 2016 JaDine In Love concert sa Araneta Coliseum nila inamin na sila na.

Gustung-gusto ng JaDine fans ang pagiging honest nina James at Nadine sa kanilang nararamdam para sa isa’t isa at pagsi-share nito sa publiko in general.

Speaking of JaDine, may magkahiwalay na project ang reel and real sweethearts ngayon.

Si Nadine ay mapapanood sa kanyang first solo movie without James, ang Ulan, kung saan kapareha niya si Carlo Aquino kasama sina Marco Gumabao at AJ Muhlach mula sa direksiyon ni Irene Villamor at mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa darating na March 13, habang si James naman ay naghahanda ngayon ng kanyang first major concert sa the Big Dome with Billy Crawford and Sam Concepcion on April 5, 2019 (Friday) at 8 p.m. kung saan naman special guests sina Nadine, Coleen Garcia at Yassi Pressman.

Sina James at Nadine ay huling napanood na magkasama sa kanilang ikalawang major concert sa Araneta Coliseum nung February 2018, ang Revolution at sa hit movie nilang Never Not Love You.

Naging abala ang dalawa sa kanilang concert tour sa ibang bansa nung nakaraang taon maging sa kanilang bagong respective albums.

Kahit walang teleseryeng ginawa ang JaDine nung nakaraang dalawang taon, may bago silang TV series this year na may pamagat na Magica Blanca kaya excited na ang kanilang mga tagahanga.

Cristine alaga ang katawan

Alam mo, Salve A., sigurado nga yata ang kasabihang kapag may pinagdadaanan ang isang babae sa kanyang personal na buhay ay nagpapaiksi ito ng buhok o di kaya may binabago sa kanyang look at ito’y nangyari na sa maraming babae lalo na mula sa showbiz.

Ang pinakabago rito ay ang Viva at Kapamilya actress na si Cristine Reyes na hindi lamang nagpagupit ng maiksi sa kanyang buhok kung hindi pinakulayan pa niya ito ng ibang kulay.

Although walang direktang pag-amin si Cristine sa paghihiwalay nila ng kanyang MMA (Mixed Martial Arts) artist-turned actor husband na si Ali Khatibi late last year, alam ng marami lalo na ng malalapit sa aktres na meron itong pinagdaraanan ngayon kaya buhos ang kanyang attention sa kanyang almost-four-year-old daughter na si Amarah at sa kanyang trabaho.

Hindi mapipiga si Cristine sa pagsasalita ng anything against tungkol sa kanyang ex-husband o sa ama ng kanyang anak.

 Sa kabila ng pagkakaroon ng anak, maintained pa rin ni Cristine ang  magandang hubog ng kanyang katawan.

Mga anak ng jazz queen nagkasundo-sundo na

Nagluluksa man ngayon ang magkakapatid na Richard Merk, Rachel Ann, Ronnel at bunsong si Raffy Wolfe sa pagyao ng kanilang ina, ang Philippine Jazz Queen na si Annie Brazil, may dapat pa rin silang ipagpasalamat dahil muli silang nabuo at nagkasundo-sundo bilang magkakapatid.  Unknown to many, may personal issues ang magkakapatid pero ang lahat ng ito’y kanila nang isinantabi alang-alang sa kanilang namayapang ina.

Siguradong masaya ang jazz icon sa kanyang kinaroroonan ngayon dahil napag-isa niya ang kanyang apat na anak laluna sa parte ng kanyang `prodigal son’ na si Ronnel.

Dumating last Wednesday (March 6) morning si Rachel Ann galing New Jersey, USA kung saan siya naka-base kasama ang kanyang Italian-American husband na si John Spitaletta and children na sina Maxwell, Trevor, Luke and Jake. Pero kahit nasa Amerika si Rachel ay naka-mo­nitor ito araw-araw sa kalagayan ng ina na nasa Happy Rest Care Community in Quezon City at inaalagaan din ng youngest brother nilang si Raffy.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with