Shaira, Gabby at Jennylyn
Shaira Diaz at Jennylyn Mercado pag-aagawan si Gabby Concepcion!
(Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik rom-com ang seasoned Kapuso actor na si Gabby Concepcion sa kanyang pinakabagong serye sa GMA na Love You Two, at makakasama niya rito ang hindi lamang isa, kung hindi dalawang naggagandahang leading ladies na sina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Shaira Diaz.

Iikot ang kuwento sa magkapatid na sina Raffy (Jennylyn) at Sam (Shaira) na magkakagusto sa iisang lalaki na si Jake (Gabby), kaya biglang magi­ging komplikado ang relasyon ng mag-ate dahil magiging magkaribal sila sa puso ng kanilang ‘the one.’

Siguradong riot at puno ng kilig ang seryeng ito dahil bukod kila Jennylyn, Shaira at Gabby, makakasama rin sina Solenn Heussaff, Sheena Halili, Jerald Napoles, Nar Cabico, Clint Bondad, Yasser Mata at Kiray Celis. Abangan ang Love You Two sa ilalim ng direksyon ni Irene Villamor soon on GMA-7!

Ricci susubok mag-VJ, MYX may pa-audition!

Mula sa UAAP Season ‘81, magpapakitang gilas naman ang UP Fighting Maroon na si Ricci Rivero bilang MYX Celebrity VJ ngayong Marso.

Tiyak na magpapakilig at magpapainit pa ang basketball heartthrob na dala ang kanyang ‘swag style’ at ‘sweet moves’ sa paghatid ng mga pinakabagong awitin ngayon.

Sasamahan rin ang nangungunang music channel ng alternative rock band na Teeth bilang MYX Headliner. Kasama sina Glenn Jacinto, Jerome Velasco, Pedz Narvaja, Mike Dizon, at Dok Sergio, siguradong magpapasiklab ang banda kasama ang kanilang hits na Laklak, Prinsesa at Shooting Star.

May handog ring musika ang rock band na St. Wolf sa pagsabak nito sa MYX Spotlight kasama ang mga kantang Taguan, Jealousy, and Papara.

Samantala, muling nagbabalik ang MYX VJ Search ngayong taon.

Maaari nang mag-audition sa Marso 16, 17, 23, at 24 (12nn to 6pm). Magdala lamang ng head shot, full body photo, at 2 valid IDs na nagsasaad na nasa edad 18 hanggang 27 ang kandidato. Tumatanggap rin ang MYX ng one-minute audition videos sa pamamagitan ng unlisted feature ng YouTube hanggang Marso 21.

Makisaya ngayong buwan kasama ang MYX Celebrity VJ na si Ricci sa Pop MYX hanggang Marso 9, Pinoy MYX sa Marso 10 hanggang 15, Mellow MYX sa Marso 17 hanggang 23, at My MYX sa Marso 25 hanggang 29. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TV plus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37.

GABBY CONCEPCION JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with