^
Manny Villar Richest Man  sa Pilipinas!
Manny

Manny Villar Richest Man sa Pilipinas!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2019 - 12:00am

Congrats kay former senator Manny Villar dahil siya na ang richest man sa Pilipinas at ayon ito sa Forbes Magazine.

Noong nakaraang taon, si Papa Manny ang second richest man ng bansa at ang tycoon na si Henry Sy, Sr. na namatay noong January 19, 2019 ang number one.

Five billion dollars ang net worth ni Papa Manny noong 2018 pero nadagdagan ng kalahating bilyong dolyar ang kanyang mga ari-arian kaya siya na ang pinakamayaman sa buong Pilipinas.

Nakaka-proud na isang true-blooded Pinoy ang richest man sa Pilipinas at narating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon dahil sa sipag at tiyaga.

Ang dumarami na branches ng Coffee Project, All Day Supermarket, All Day Convenience Store at Star Malls ang ilan sa mga dahilan kaya lalong yumaman si Papa Manny.

Kung pinakamayaman  sa Pilipinas si Papa Manny, pang-317 richest man naman siya sa buong mundo sa listahan ng 2019 world’s billionaires ng Forbes Magazine.

Kahit si Papa Manny ang pinakamayaman, simpleng-simple pa rin ang lifestyle nila ng kanyang misis, si Senator Cynthia Villar at ng kanilang mga anak.

Nadaragdagan din ang mga tinutulungan nila, ang ating mga kababayan na kapus-palad na nabibigyan ng trabaho ng Villar family sa pamamagitan ng kanilang mga negosyo.

Si Papa Manny ang idol ni Willie Revillame at parang pangalawang ama ang turing ng Wowowin host sa richest man in the Philippines.

Mahusay humawak ng pera si Willie pero sure ako na lalong nadagdagan ang kaalaman niya sa negosyo dahil sa friendship nila ni Papa Manny.

Hindi maramot si Papa Manny dahil marunong ito na mag-share sa lahat ng kanyang mga kaalaman.

Re-electionist na senador si Mama Cynthia sa midterm elections sa May 2019 at kahit sure winner na siya dahil consistent ang pangunguna niya sa mga survey, sure ako na tutulong pa rin si Willie sa pangangampanya niya.

Mga Executive ng 2 at 7 galing sa 13

Naku Salve ha, nag-nostalgia ako kahapon nang makita ko mga taga-Channel 13. Very happy ako dahil iyon iba doon, kasama ko sa Scoop, ang pinaka-una kong talkshow.

Iyon happy days namin noon ni Inday Badiday, sa Broadcast City namin naranasan. Melancholia ako at happy na si Kat de Castro, anak ni Noli Boy de Castro na dati natin vice president ang namamahala ngayon ng Chanel 13.

Lahat halos ng TV executives sa 2 at 7, galing sa Broadcast City. Bongga.

Alam mo ba na doon ko kinita ang first million ko, hah hah joke lang.

Congrats Kat.

Dawn magpapaka-active sa pelikula 

Natuwa ako dahil magiging active na uli ang GMA Pictures sa pagpo-produce ng pelikula.

Ang Family History ang isa sa mga movie project ng film production ng GMA Network Inc. Si Michael V. ang direktor ng pelikula at sa pagkakaalam ko, siya rin ang sumulat ng kuwento.

Si Dawn Zulueta ang isa sa mga bida sa Family History at siya ang subject noon ng blind item tungkol sa aktres na Kapa­milya na lilipat sa Kapuso network.

It turned out na pelikula at hindi television series ang gagawin ni Dawn sa GMA Pictures pero alam ng lahat na umapir siya sa mga programa ng GMA 7 noong dalaga pa siya.

Si Dawn ang gumanap na Ynang Reyna sa original Encantadia. Hindi nagtagal ang special participation ni Dawn sa Encantadia dahil nagbuntis siya sa panganay nila ni Anton Lagdameo.

Hindi lang ang Family History ang movie project ng GMA Pictures dahil ito rin ang producer ng launching movie ni Super Tekla.

MANNY VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with