LT
LT nami-miss pa rin si Daboy!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2019 - 12:00am

Kahit more than 10 years nang wala

Kung nabubuhay lang si Kuya Rudy Fernandez, 67 years old na sana siya kahapon, March 3.

Mahigit sampung taon na siyang namayapa pero marami pa rin ang nakaalala sa mga espesyal niyang araw kagaya ng birthday niya kahapon.

Nakikita sa social media ang mga pagbati sa kanya at sinasabing nami-miss na nila ang kinikilalang prince of action.

Nakausap ko si Lorna Tolentino kahapon na naghahanda na siya ng pamisa nila kay Kuya Daboy sa mausoleum nito sa Heritage Memorial Park. Hindi na raw siya nag-imbita dahil wala naman daw silang handa talaga, at gusto lang nilang magpamisa kasama ang buong pamilya.

Aminado naman si LT na nami-miss pa rin niya ang asawa, at hindi na raw mawawala iyun.

Kahit nga manager nilang si Manay Lolit Solis ay nagi-guilty na ring hindi na raw nakakadalaw sa Heritage.

Kung nabubuhay lang daw si Kuya Daboy, tiyak na aligaga raw ito ngayon sa pagsuporta sa pangangampanya sa mga BFF niyang sina senatoriable Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Iyun din ang sure si Lorna dahil alam naman daw natin lahat kung paano ito magbigay ng suporta sa mga taong malapit sa kanya.

Samantala, kampante naman si Lorna na nandiyan pa rin ang asawa niyang nagga-guide sa kanya sa lahat na ginagawa niya. Nakapagsimula na si Lorna nang taping sa Ang Probinsyano at gustung-gusto niya ang role niya rito.

Natutuwa nga siya sa participation niya sa serye, dahil dapat anim na araw lang daw siya rito, pero inayos ni Coco Martin na mapapahaba pa siya. Baka aabot na raw ng isang buwan ang taping niya.

Nung unang araw daw ng taping niya ay nagulat siya na nandun daw ang halos lahat na production staff ng Minsan Lang Kita Iibigin na kung saan doon sila unang nagkatrabaho ni Coco.

Kahit laging magkasama, EA pinagdiinang ‘di sinundan si Shaira

Kahit pinagpilitan ni Edgar Allan Guzman na wala na sila ni Shaira Diaz, hindi pa rin kumbinsido ang karamihan sa mga movie press sa sagot niyang hindi niya ito sinundan sa kuwadra ni Arnold Vegafria.

Iyun kasi ang halos tinanong sa kanya sa media launch ng bagong afternoon prime drama fantasy na Dragon Lady na magsisimula na ngayong araw pagkatapos ng Eat Bulaga.

Umalis na ito sa poder ni Noel Ferrer na nag-manage sa kanya ng sampung taon. Lumipat siya kay Arnold na kung saan co-manager ang GMA Artist Center. “Hindi po. Kasi kung susundan ko siya…kumbaga may sarili naman akong career eh. Ba’t ko naman siya susundan?

“Para sa akin, after ko kausapin si Sir Noel, may kinausap akong tatlong managers para may options ako, tingnan ko kung anong offer ang magagawa nila sa career ko.

“Pinag-compare ko ang tatlong iyun bago ako mag-decide. Hindi yung paglipat ko because of Shaira,” pahayag ni Edgar Allan.

Pero marami pa rin ang hindi na-convince sa sagot niya dahil nakita naman kamakailan lang na magkasama sila ni Shaira na pumunta sa burol ng ina nina Rayver at Rodjun Cruz.

Sabi naman ni EA, maayos daw siyang nagpaa­lam kay Noel at hinding-hindi raw niya makalimutan ang lahat nagawa ng dating manager sa kanyang career. “Hindi naman po biro ang ginawa niya sa career ko at ginawa niya sa trabaho ko di ba? Malaki po ang utang na loob ko para kay Sir Noel. So, kinausap ko siya nang maayos, pinaintindi ko sa kanya kung ano ang reason ko, and naintindihan naman niya,” dagdag niyang pahayag.

Ang gusto lang naman daw ni EA na magkaroon siya ng regular na show at exclusivity sa isang network.

Nakapirma siya sa GMA Artist Center, pero wala pa naman siyang network contract na maaring tatrabahuin siguro ‘yan ni Arnold Vegafria.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with