Luis at Jessy
Luis aligaga sa mga negosyo para sa future nila ni Jessy
(Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2019 - 12:00am

Kabi-kabila ang trabahong ginagawa ni Luis Manzano ngayon. Bukod sa mga endorsement ay regular ding napapanood ang aktor bilang host ng mga programang Minute To Win It, World of Dance at ASAP Natin ‘To.

Maliban sa pagiging artista ay abala rin si Luis sa ilang mga negosyo kaya marami ang nagsasabing patuloy na nagpapayaman ang binata. “Akala n’yo lang mayaman ako. I’m blessed pero sabi ko nga, if people understand the industry, I’m not saying na I’m not well compensated pero iba ang bayad sa isang leading man kumpara sa TV host sa maniwala kayo o hindi. Hindi ako ‘yung iniisip n’yo na parang sobrang yaman,” nakangiting pahayag ni Luis.

“Yeah I have a few pero hindi siya ‘yung parang… we have this notion kasi ‘pag host ka eh sa ‘yo ‘yung malaking TF. Iba talaga ang TF ng hottest leading man na kinakikiligan sa isang simpleng host. I’m just saying na baka we have this notion kasi for example, naririnig ko kung magkano ‘yung TF niyan, pero sa inyo ‘yan, ito ‘yung sa akin,” dagdag pa niya.

Ayon sa aktor ay hindi rin siya ang nag-iisang may-ari ng mga negosyo dahil mayroon siyang mga kasos­yo dito. “May scent company na ako (bukod sa LBR taxi business). It’s called Lucky and Lulu. May dalawang kiosk na kami sa SM Bacoor, SM-BF and we’re hoping na dumami pa at maglalabas pa kami ng marami pang products,” pagbabahagi ni Luis.

Aminado naman ang binata na talagang nag-iipon siya sa kasalukuyan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang magiging pamilya nila ng kasintahang si Jessy Mendiola. “’Yon ang number one actually, nag-iipon pa talaga ako. Kasi di ba, madaling magpakasal, sobrang dali pero ‘pag nilatag mo na at may pamilya na kayo especially ngayon na mahirap ang buhay, medyo nakakatakot. Okay, fine, maganda ang buhay natin ng mga ilang taon, pero paano kung may mangyari, di ba? I want to be able to provide a life na I believe I and my family would deserve,” paliwanag ng aktor.

Ex ni Arjo naka-focus muna sa career

Nagbigay ng reaksyon ang dating kasintahan ni Arjo Atayde na si Sammie Raymundo tungkol sa diumano’y pagkakamabutihan na ngayon ng aktor at Maine Mendoza.

Ayon sa miyembro ng Girltrends ay masaya siya para kay Arjo. “Ayoko lang po magbigay sana ng comment since hindi naman po sa wala ng connection pero it’s their personal lives. Masaya po ako kasi masaya po siya,” nakangiting sabi ni Sammie.

Matatandaang noong November lamang pumutok ang balitang nagkahiwalay na ang dalaga at ang aktor.

Para kay Sammie ay naging maayos naman ang hiwalayan nila ni Arjo. “It’s for the better naman po. Napagdesisyunan namin na, sa ngayon, focus muna ako sa career ko din. Siya din, happy rin ako para sa kanya, ang dami niyang projects. Siyempre, nandoon pa rin po ‘yung full support ko para sa kanya,” paglalahad ng baguhang aktres. (Reports from JCC)

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with