_ngayon
^

Hesus nakunan ng litrato, mapapanood sa KMJS!

(Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagtala ng bagong record ang most-awarded magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) matapos pumalo sa 19. 2 percent people rating ang February 24 episode nito sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) base sa Nielsen TV Audience Measurement.

At ngayong Linggo, (March 3), tutukan ng mga ma­nonood ang pagbabalik ng isa sa mga pinakakontrobersyal na paranormal investigator ngayon sa Pilipinas—si Ed Caluag! Naging laman ng sari-sa­ring memes at videos si Ed.  At sa kanyang pagbabalik sa KMJS, ibabahagi naman ni Ed ang kuwento ng kanyang buhay.

Samantala, natupok ng apoy ang mga kabaha­yan sa Duma-Duma Tago, Surigao del Sur. Pero wala ni isang nasaktan o nasugatan. Ang paniniwala nila, iniligtas sila ni Hesukristo! Patunay raw rito ang mga pahina ng libro kung saan nakaguhit si Hesus na hindi naabo. At ang Tagapagligtas, nakunan daw ng litrato? Iimbestigahan ito ng KMJS.

Itinampok noong na­ka­­raang Linggo ang kuwento ni Ellen na hinahanap ang anak niyang si Jimuel. Pinaniniwalaan niyang dinukot ng sindikato si Jimuel. Talaga nga bang kinuha ng mga ma­sasamang loob si Jimuel?

Viral kamakailan ang isa sa tinaguriang cleanest water sa buong bansa—ang ilog ng Barobo sa Surigao del Sur. Pero gaano katotoo na ang tumutulong daw na mapanatili ang kalinisan ng ilog ay isang siyokoy? At bakit nga ba humantong sa punto na gumamit na ng dahas si misis laban sa kanyang mister? Sa ating lipunan, marami nga bang battered husbands?

Abangan lahat ng ito at iba pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Studio 7 sa GMA-7.

JESSICA SOHO KAPUSO MO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with