Lolit, Cristy at JV
Sen. JV sasalang sa Take It… Per Minute
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2019 - 12:00am

Second episode ngayong araw ng digital show nina Nay Lolit Solis and Nay Cristy Fermin na Take It… Per Minute!, 12:00 to 1:00 p.m. sa ­Facebook page ng Pilipino Star Ngayon. Paki-follow lang po ang FB Pages – search for @pilstarngayon or i-type ang Pilipino Star Ngayon para mapanood sila ng live.

Masaya at maganda ang feedback ng premiere episode ng Take It… Per Minute, ang unang talk show ng dalawang beterano at haligi ng showbiz news and intriga na nanatiling aktibo at kontrobersiyal sa kanilang binibitiwang mga opinion. Regular din sila siyempreng nababasa sa aming pahayagan.

Marami silang inihandang mga balita, kuwento at mga bonggang opinion.

First part ang ‘Showbiz Tsikahan at Lantaran’ at ang second part ay ang ‘Interbyu Ngayon.’

Si Sen. Bam Aquino ang una nilang guest sa second part at ngayong tanghali ay sasalang si Sen. JV Ejercito.

Maraming isyung maaring talakayin with Sen. JV. Pero siyempre nangunguna riyan ang pagkakapasa ng Universal Health Care na isang batas na. Siyempre siya ang pangunahing author nito sa Senado pero balitang merong mga ibang umaangkin. Sa Twitter nga kahapon ay nag-emote na siya. “Dami ng sumakay at gusto umangkin ng Universal Healthcare. Wala pong problema. Ang importante ito ay napirmahan at naisabatas na. Malapit ng maramdaman ito ng Sambayanang Pilipino!,” sabi ng senador.
So abangan ang Take it… Per Minute, 12:00 to 1:00 p.m. sa @pilstarngayon Facebook Page.

CRISTY FERMIN JV EJERCITO LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with