^

PSN Showbiz

Heart tinantanan na ng bashers, balik MFW!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart tinantanan na ng bashers, balik MFW!
Heart

Nasa Milan Fashion Week pala si Heart Evangelista.

Base sa kanyang mga post, “Off to see @gucci #MFW2019 missing you all,” isa sa mga tweet niya the other day.

Maging sa kanyang Instagram sunud-sunod ang post niya. Ang isa pa nga ay kasama niya ang designer na si Gianvito Rossi, ang Italian footwear scion. “With the man himself! It was delightful to have a little chat with @gianvitorossi about his latest presentation. Of course, I loved every single thing from his collection! ,” sabi ni Heart.

“The @hoganbrand Autumn Winter collection welcomed us to the “cold north.” Their presentation saw cold-weather essentials done in the most stylish way. Now, time to plan a trip to somewhere snowy… #MFW,” sabi naman niya sa isang post ng Hogan brand snow boots.

Hindi ito ang first time niyang dumalo sa Milan Fashion Week at maging sa ibang fashion week sa mga fashion capital of the world.

Kagagaling lang ng China and Singapore ni Heart kung saan balitang may ginagawa siyang Hollywood film pero wala pang inaamin kung ano ba ‘yun.

Obvious na mas priority ni Heart ang trabaho kesa makigulo sa pulitika o sa kahit anong intriga sa showbiz.

Obvious din na hindi na affected sa bashing. Suking-suki noon si Heart ng bashing.

May balita pa nga noon na gusto niyang lumapit sa NBI. Pero ewan ko kung natuloy ‘yun.

FDCP may bagong mechanics para sa mga sasali sa PPP

Naglabas na ng mechanics ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa mga gustong sumali sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Ang ikatlong PPP ay gaganapin mula September 12 to 18, 2019 kung saan pawang mga Pinoy films ang eksklusibong mapapanood sa lahat ng sinehan sa buong bansa.

Ang nasabing event ay bahagi ng celebration ng One Hundred Years of Philippine Cinema na magsisimula rin sa September.

Walong Filipino films ang pipiliin at iku-curate ng Selection Committee ng PPP.

Tatlo rito ang mga pelikulang nasa advanced stage of development o production stage, habang lima naman dito ang finished films o films in post-production.

Ang deadline of submission para sa film projects na nasa production stage ay March 8, 2019, at hanggang May 31, 2019 naman ang pasahan para sa finished films o films na nasa final post-production stage.

Ang mga mapipiling pelikula ay tatanggap ng co-production fund na aabot sa 2 million pesos.

Magbibigay din ang mga sinehan sa bansa ng discounted rates para sa mga estudyante ayon sa FDCP na pinamumunuan ni Liza Dino as chair and CEO.

One hundred eighty pesos ang presyo ng tickets para sa mga estudyante sa Metro Manila, at P130 naman para sa mga estudyante sa mga probinsiya.

Nagsimula noong 2017, ang PPP ang nagtampok ng award-winning films tulad ng Birdshot at Signal Rock na napili na ipadala ng bansa para sa Academy Awards for Best Foreign Language Films na sadly ay hindi napiling official entry.

Anyway, para sa iba pang impormasyon at guidelines, bisitahin ang www.fdcp.ph.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with