^

PSN Showbiz

Nadine natanggal ang insecurities, stress, problema sa relasyon nila ni James

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nadine natanggal ang insecurities, stress, problema sa relasyon nila ni James
Jadine

Matinding Hollywood movie ang makakatapat ng pelikulang Ulan ng Viva na tinatampukan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

Sa March 13 na kasi ang showing nito, kaya ganun na lang ang pakiusap ni direk Irene Villamor na tulungan sila sa promo ng pelikula.

Kakaiba ang kuwento nito na ipinagmamalaki ni direk Irene na ngayon pa lang daw mapapanood sa isang Pinoy film. “Kakaiba kasi yung genre niya na may magic realism siya.

“This is new relatively sa Pilipinas. Bago yung pelikula. Bagong ihahain, dahil maraming Hollywood blockbuster movies na iyun ang makalaban. So, sana #supportlocals sana,” pahayag ng direktor.

Briefly ay naibahagi nila kung ano ang konek ng tikbalang sa kuwento ng pag-ibig na ginagampanan nina Nadine at Carlo.

Kuwento lang ni direk Irene, paniniwala raw kasi ng matatanda na kapag umuulan at umaaraw ay may ikinakasal na tikbalang.

Nakita raw ito ng batang si Nadine. Ang paniniwala pa raw nila na ang pagmamahal ng tikbalang ay talagang panghabang-buhay.

Kaya maihahanlintulad din ba sa pag-iibigan ng tikbalang ang relasyon nina Nadine at James Reid?

Hindi gaanong napag-usapan ang mga personal na isyu sa open forum ng presscon ng Ulan kahapon, pero pagkatapos naman ay nagpaunlak si Nadine na sagutin ang tungkol sa kanila ni James.

Tatlong taon na ang kanilang relasyon at proud si Nadine na ibinabahagi sa aming okay sila at mas relax daw sila sa kanilang relasyon.

Marami raw kasi siyang natutunan sa relasyon nila ni James.

“Ang pinakamalaki talagang nagawa sa akin ng relationship is I learn to accept myself. Kasi before ang dami ko pong insecurities, ang dami kong problema, ang dami kong stress and all.

“Nung naging kami po kasi ni James, natutunan kong mag-relax, tapos mag-let go lang, tapos enjoy life,” saad ni Nadine.

Wala raw selosan sa kanila, tampuhan at wala yung matinding away. Mas positive at walang kanegahan.

“Ang pinaka-important kasi na natutunan naming dalawa is just to relax and love life.

“Parang kaming dalawa, parang walang bad vibes sa amin. Hindi rin kami parang nagbibigay ng bad vibes sa iba. Hindi kami nag-aaway ganun.

“Ngayon kasi pag may naramdaman ako, sini-share ko agad, sinasabi ko.

“Ngayon, pag may problema ako, sinasabi ko agad sa kanya.

“Sobrang love po namin yung state namin ngayon, ganito lang kami,” masayang pahayag ni Nadine.

Kasama rin nila dito sa Ulan si Marco Gumabao na talagang binibigyan ng Viva ng magagandang project.

Derek itatambal ng GMA sa sexy Kapamilya actress na lilipat na rin?!

Wala pa ring announcement ang GMA-7, pero may nakakarating nang tsika sa aming next week na raw ang contract signing ni Derek Ramsay sa Kapuso network.

Nung huling nakatsikahan namin si Derek sa radio program namin sa DZRH, sinasabi niyang malapit na ito.

Excited na rin daw niyang makatrabaho ang ibang Kapuso artists na hindi pa niya nakatrabaho.

Kung matutuloy na ang pirmahan next week, maaring doon na rin nila sabihin kung sino ang makakasama niya. Narinig kasi naming maganda at seksing aktres ang unang makakatrabaho niya at na-excite din kami dahil mukhang bagay naman sila.

Maganda ang kumbinasyong sexy si Derek at sexy rin ang makaka-partner niya.

Kung matutuloy silang dalawa, amoy na amoy na namin ang kaseksihan at sensuwalidad sa kanilang dalawa. 

Pero may isa pa kaming narinig na may pag-uusap na raw ngayon sa ilang taga-GMA 7 sa isang Kapamilya actress na sexy rin at may pagka-kontrobersyal.

Hindi pa naman daw kumpirmado, pero meron daw negosasyon at malaki raw ang tsansang matuloy ang lipatan.

Tiyak na pag-uusapan ito kung matutuloy dahil maiiwan ni aktres sa mother studio niya ang isang taong sobrang malapit sa puso niya.

Abangan na lang!

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with