Gretchen kumampi na naman
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2019 - 12:00am

SEEN: Kinumpirma ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Clint Bondad.

SCENE: Umagaw ng atensyon sa presscon kahapon ng Ulan ang mga tikbalang na may special participation sa kuwento ng pelikula nina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

SEEN: Nahihiya na inamin ni Direk Irene Villamor na crush niya si Carlo Aquino mula pa nang lumabas ito sa television show na Kokey. Si Irene ang direktor ng Ulan at si Carlo ang leading man sa pelikula ng Viva Films na may playdate sa March 13, 2019.

SCENE: Kakaunti na lamang ang likers ng mga balita tungkol sa court battle ni Kris Aquino at ng KCAP former managing director na si Nicko Falcis na iisa lamang ang kahulugan, nagsasawa na ang publiko sa pagsubaybay sa kontrobersya na kinasasangkutan nila.

SEEN: Hindi lamang ang Falcis brothers na sina Nicko at Jesus ang natuwa sa desisyon ng Makati City Prosecutor’s Office na ibasura ang qualified theft case na isinampa ni Kris Aquino dahil nakikiisa si Gretchen Barretto sa kanilang tagumpay.

SCENE: Kasama ni Gretchen ang kanyang mga kaibigan sa bahay niya sa Makati City nang lumabas noong Biyernes ang balita na dismissed ang qualified theft case na demanda ni Kris Aquino kay Nicko Falcis. Napalitan ng party mood ang simpleng salu-salo ni Gretchen at ng kanyang mga kaibigan.

SEEN: Bukas, February 25 ang 54th birthday ni Maricel Soriano pero mapapanood sa February 26 at February 27 ang special celebration niya sa Magandang Buhay.

SCENE: Ilalahad ngayong gabi ni Korina Sanchez sa kanyang sari­ling programa, ang Rated K ang kumpletong detalye ng pagbubuntis at pagsisilang kina Pepe at Pilar, ang kambal na anak nila ni Mar Roxas.

GRETCHEN BARRETO KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with