^

PSN Showbiz

Ronnie at Loisa, excited sa Vince, Kath...

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ronnie at Loisa, excited  sa Vince, Kath...
Loisa

Magkakaroon ng sequel ang pelikulang Vince & Kath & James na pinagbidahan noong 2016 nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Ronnie Alonte. Si Theodore Boborol muli ang magdidirek ng bagong proyekto na may titulo namang James & Pat & Dave. Pagbibidahan muli ngayon ang nasabing pelikula ni  Ronnie bilang si James at ang mga bagong cast na sina Loisa Andalio at Donny Pangilinan.

“Napaka-blessed ko. The fact na ‘yung first movie ay may part 2, that’s something na sobrang grateful ako sa Star Cinema at sa audience for suppor­ting the story. We are offering a new story. In a way bagong kwento ‘yung ilalatag at ihahatid natin sa kanila na hopefully ay magustuhan nila. Nakita natin ‘yung meme na James has left the group. Obviously may nangyari sa personal na buhay ni James at doon niya makikilala ang character ni Pat. Definitely ‘yung character ni Pat and Dave may background sila together. May love history and kung paano manghihimasok si James sa history nina Pat at Dave, ‘yon ang aabangan,” pagdedetalye ni Direk Theodore.

Excited na si Ronnie na magsimula ang shooting ng bagong pelikula dahil magkakatrabaho sila ng kasintahang si Loisa. “Siyempre itutuloy namin, ito na po ‘yon. Kasi na­wala po ako ng tatlong taon (sa paggawa ng pelikula). So ito na ‘yon para sa akin. Excited po ako,” nakangiting pahayag ni Ronnie.

“Sobrang excited sa blessing na ito. Para sa akin ito ang pinakamalaking ibinigay na project sa akin ng Star Cinema, sobrang thankful po ako,” dagdag naman ni Loisa.

Para naman kay Donny ay isang malaking karangalan na makapagbibida na siya sa isang mala­king proyekto. Bilang paghahanda ay pinanood na raw ng baguhang aktor ang naunang pelikula. “I watched the first movie. So gusto kong makita talaga ano ang mangyayari this time. Ako ay seemingly perfect na guy pero sa movie makikita natin na hindi pala ito totoo. I will find out that I’m not really this perfect guy that I think I am,” paglalahad ni Donny.

Krystal naiiyak pa rin kina John Lloyd and Sarah

Matapos makatambal si Marco Gumabao sa digital film na Apple of My Eye ay ngangangarap naman ngayon si Krystal Reyes na makatrabaho ang isang iniidolo sa Kapamilya network. “Si Sarah Geronimo ang idol ko pero hindi naman sa boses dahil hindi maabot ‘yon. Sa acting si Sarah kasi kaya niyang bigyan ng justice ‘yung character. Kaya niya mag-light roles tapos kaya rin niyang mag-heavy drama,” bungad ni Krystal.

Aminado rin ang dalaga na matagal na siyang may paghanga kay John Lloyd Cruz. “Sobrang crush ko talaga si John Lloyd Cruz. Kahit ilang beses ko panoorin ‘yung mga pelikula nila ni Sarah Geronimo, sobrang umiiyak ako. Sobrang lakas ng magic nilang dalawa sa akin. Basta silang dalawa ‘yung magka-partner, lagi kong sinusuportahan,” pagtatapat ni Krystal.      (Reports from JCC)

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with