^

PSN Showbiz

Iza Calzado inuna ang pelikula, ‘di pa rin nakakapag-honeymoon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Iza Calzado inuna ang pelikula,  �di pa rin nakakapag-honeymoon
Iza

Puspusan na ngayong tinatapos ang mga pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2019.

Si Iza Calzado ang isa sa mga artistang bida sa isang entry na ididirek ni Shery Rose Andes na pinamagatang Pandanggo sa Hukay.

Gustung-gusto ni Iza ang role na tumatalakay daw sa women empowerment kaya i-delay na raw muna ang honeymoon nila ni Ben Wintle.

Ayaw daw niyang mapunta pa ito sa iba, kaya kaagad niya itong tinanggap.

Ilan pa sa mga kasali sa Cinemalaya ay ang entry na dinirek ni Xian Lim.

Tinapos muna niya ang shooting bago siya lumipad pa-Georgia para sa pelikula nila ni Cristine Reyes.

Tapos na rin ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films na dinirek niya, ang Belle Douleur, na nasa post production na raw ngayon.     

Kaya marami tayong aabangan sa sampung pelikulang kalahok sa Cinemalaya 2019.

Lito Lapid aminadong laos na bago nakatrabaho si Coco Martin

Ayaw ng senatoriable na si Lito Lapid na humingi ng tulong sa mga kasamahan niya sa Ang Probinsyano para ikampanya siya, kahit nangako raw silang tutulong sila.

Kahit nga kay Coco Martin ay nahihiya siyang pakiusapan pa ito kahit alam niyang hindi siya tatanggihan. “Nahihiya naman ako sa kanya na lumalabas ako rito, kasi alam ko namang maraming kumukuha sa kanyang pulitikong i-endorse sila.

Ang maging bahagi lang daw sa Ang Probinsyano at tumagal pa siya roon ay malaking bagay na raw sa kanya.

Binuhay nga raw ng Ang Probinsyano ang showbiz career niya na matagal ding nawala.

“Alam n’yo naman si Coco malambot ang puso niya sa mga nangangailangan eh.

“Meron nga dun umiiyak sa kanya na walang-wala na, naaawa siya, nilalabas niya, tinutulungan niya.

“Tumutulong talaga siya sa ‘yung mga nalalaos na…kagaya ko almost 20 years na hindi nga ako gumawa dahil napasok ako sa pulitika, isa na rin ako sa natulungan niya, kamukha ngayon na nagising yung career ko bilang artista.

“Nandiyan pa pala ‘yung mga luma kong fans nung araw na lolo na rin kamukha ko,” dagdag niyang pahayag.

Kaya kung sakaling palarin siya sa darating na eleksyon, gusto pa rin daw sana niyang bumalik sa Ang Probinsyano kahit mag-fight instructor siya.

 “Kung halimbawang kailangan ako ni Coco, puwedeng pasyalan ko siya. Okay naman kung mag fight director ako sa kanya.

“Parang anak ko na si Coco eh,” saad ni former Sen. Lapid.

Sinabi naman daw niya noon pa kay Coco, na nala­laman naman daw niya ang style ni FPJ, at si Coco lang daw talaga ang puwedeng humalili sa naiwang trono ng Da King Fernando Poe Jr.

Korina Sanchez sa India nagpatago ng ‘eggs’

Marami ang nabulabog sa ipinost ni Korina Sanchez sa kanyang Instagram account tungkol sa kambal na anak nila ng dating Sec. Mar Roxas.

Nagpapa-suggest pa siya ng magandang name sa dalawang bagets, pero malamang na may pangalan na sila niyan, at isa iyan sa ibubunyag nila sa kanilang official announcement pagbalik ng bansa.      

Nakausap namin ang isa sa malapit kay Korina at naikuwento sa aming nagkausap daw sila ng kilalang broadcaster na nasa Pittsburgh, California pa raw sila.   

Masayang-masaya raw si Mama Koring at excited na raw itong ipakilala ang kambal nila ni Mar.

Ang pagkakaalam ko, ibibigay niya ang exclusive story kay Kuya Ricky Lo at siyempre mapapanood ito sa Rated K.

Nakikipag-usap na raw ito sa ilang staff niya at nagpasabi na raw itong magmi-meeting sila pagda­ting.

Baka early next week daw ang dating ni Korina kasama ang kanyang kambal, pero hindi lang alam kung mauuna ba ang dating Sec. Mar dahil nakapag-comit daw ito sa Senatorial Debate ng ABS-CBN 2 sa Linggo.

Hindi pa raw idinetalye sa kanila ang proseso, pero ang isa lang daw sa naalala ng kausap namin, nabanggit daw ni Korina na meron silang kinausap na puwedeng gumawa sa India, pero napakamahal daw.

Hindi lang nila sure kung doon sa India nagpa-freeze si Korina ng eggs niya, pero maganda raw ang ginawa at naging successful nga ang proseso, at nabuo nila ito through surrogacy.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with