Ruffa Gutierrez maraming babaguhin sa career!
Seen: Ang mainit na pagtanggap kahapon kay Miss Universe 2018 Catriona Gray ng mga empleyado ng PLDT head office sa Makati City. Alas-diyes ng umaga ang oras ng courtesy call pero 9:30 a.m. pa lang ay nandun na siya. Binati ni PLDT Chair MVP si Catriona Gray sa tagumpay nito sa 67th Miss Universe. PLDT Home ambassadress si Catriona buhat nang manalo noong March 18, 2018.
Scene: Malapit na kamag-anak ni Kris Aquino ang tinutukoy ng businesswoman na si Doray Morales na kumausap sa kanya para ipag-produce ng television special noong April 2017 ang former television host-turned-web star.
Seen: May hashtag na No To Bullying. Let’s end this #Krisis ang reaksyon ni Nicko Falcis sa balita na ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang qualified theft complaints ni Kris Aquino laban sa kanya dahil sa kakulangan ng mga ebidensya.
Scene : Hihilingin ni Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Sigfrid Fortun sa Makati City Prosecutor’s Office na i-reconsider ang resolution tungkol sa na-dismiss na reklamo laban kay Nicko Falcis.
Seen: Kasama ang anak na si Bimby Yap, nag-file kahapon si Kris Aquino ng counter affidavit sa Prosecutor’s Office sa QC para sa grave threats na isinampa ni Nicko Falcis laban sa kanya.
Scene: Pinaghahandaan ni Ruffa Gutierrez ang birthday show niya sa June 22, 2019. Sa June 24 ang actual birthday ni Ruffa. Spotted si Ruffa at ang kanyang nanay na si Annabelle Rama sa Manila House noong Huwebes.
Seen: Sinabi ni Ruffa na maraming pagbabago ang mangyayari sa kanyang career at magiging visible na siya sa tulong ng bagong manager niya, si Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment.
- Latest