Giit ni Catriona Gray, bakit pa ito kailangang baguhin kung wala namang problema sa kasalukuyang pangalan.
Giit ni Catriona Gray, bakit pa ito kailangang baguhin kung wala namang problema sa kasalukuyang pangalan.
AFP/Noel Celis
Maharlika? Catriona Gray ayaw papalitan ang ngalan ng 'Pinas
James Relativo (philstar.com) - February 22, 2019 - 6:58pm

MANILA, Philippines — Pinalagan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang panukalang papalitan ang pangalan ng Pilipinas sa "Maharlika."

Giit ni Catriona, bakit pa ito kailangang baguhin kung wala namang problema sa kasalukuyang pangalan.

"Bakit? If it's not broke, don't fix it. I mean, Philippines is Philippines," sagot niya sa panayam ng News5 habang tumatawa patungkol sa suwestyon.

"I've been seeing the memes but I've never seen the source of it. What is it?" dagdag ni Catriona sa naturang isyu.

Matatandaang inilutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ideyang ito noong ika-11 ng Pebrero.

"Tama si Marcos. Panahon ni Marcos, tama talaga si Marcos. Gusto niya palitan — Maharlika. The Republic of Maharlika, because maharlika is a Malay word and it means more of a concept of serenity and peace," sabi ni Digong sa Maguindanao.

Bukas makipag-usap sa Palasyo

Umani naman ng reaksyon sa Malacañang ang pahayag ni Catriona na tumututol sa pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, na-misinform lang ang beauty queen kung kaya't naging ganoon ang kanyang posisyon.

Pagpapaliwanag ni presidential spokesperson Salvador Panelo, kasama sa pagsugpo ng mismong problema ang pagpapababa ng edad ng mapaparusahan sa batas.

"Kasi that is the problem -- the minor is involved in crimes. So, batas, nakalagay doon yung rehabilitation. Ang focus noon, rehabilitation eh. So you are solving precisely the problem why this people are engaged with crimes."

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang pagbababa ng criminal responsibity mula 15 pababa ng 12 noong ika-28 ng Enero.

Matagal nang sinu-suportahan ng gobyerno ang pagpapababa ng edad ng mapapanagot sa batas.

Sagot naman ni Catriona, handa siyang makipag-usap sa gobyerno para marinig ang kanilang panig.

"I do have a few set of visits coming up, I would like to be able to talk with them first hand and hear both sides or all sides of the issue so that I could gain a deeper understanding," ani Catriona.

Kilalang child's rights advocate, sinabi ni Catriona na dapat tugunan muna ang puno't dulo kung bakit gumagawa ng krimen ang mga bata imbis na magbigay diin sa mga parusa.

“I really feel that it’s important for us to readjust our focus as to why these children [are] committing those crimes... As a nation, I think we should focus on eradicating these external pressures,” banggit niya noong Miyerkules.

CATRIONA GRAY MAHARLIKA PHILIPPINES RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with