Maine at Arjo
Maine nilabas ang wrecking ball pictorial nila ni Arjo
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

‘Uy may fan,’ ang caption ni Maine Mendoza ‘wrecking ball’ (Miley Cyrus) inspired photo nila ng ‘karelasyon’ na si Arjo Atayde na posted sa kanyang IG story.

Ito ang first time na nag-post si Maine ng photo nila ng Kapamilya actor na nauna nang umamin na ‘exclusively dating’ sila.

Sa event ng make up brand na ini-endorse ni Maine kuha ang nasabing pictorial ng mag-syota (kung officially ay sila na nga).

Walang direct admission sa dalawa, exclusively dating lang label na sinabi ni Arjo nang mag-promote siya ng pelikulang ‘Tol na sadly ay hindi pumatok sa takilya.

Sa parte ni Maine ay walang admission at ito nga lang photo nila together ang masasabing sila na nga.

Kaya naman nagliliyab na naman sa galit ang AlDub fans na hindi matanggap ang kapalaran nina Maine at Alden Richards na wala talagang forever sa AlDub.

Ang isang sure, hindi fake ang nasabing photo dahil si Maine na mismo ang nag-post.

Ang fans kasi, pinalalabas na ang mga writer / reporter ang sinungaling dahil imbento at retoke daw ang mga naunang picture na magkasama sina Maine at Arjo.

Ayan belat nila. Si Maine na mismo ang nag-post.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with