Karla
Blandina ni Karla naka-b
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Familia Blandina starring Karla Estrada at dinirek ni Jerry Sineneng.

In all fairness naman, pampamilya ang kuwento at marami kang mapupulot na aral at super relatable ang nangyayari sa inang ginagawa ang lahat para sa mga anak matapos ang masaklap na karanasan sa napangasawang Amerikano.

At hindi lang naman si Karla ang magaling, maging ang mga gumanap niyang mga blonde na mga anak ay nagampanan ng maayos ang character nila sa pangunguna ni Marco Gallo at ang gumanap niyang second husband na si Jobert Austria.

At abangan kung anong gagawin nina Vice Ganda and Daniel Padilla sa pelikula.

Actually hindi lang basta nakakatawa ang pelikula, may parte rin na maiiyak ka.

Sana nga lang talaga ay kumita ang Familia Blandina dahil malungkot na naman ang sinapit ng dalawang Tagalog films na pinalabas sa mga sinehan last Wednesday at ibinalik ang Alone / Together na nasa ika-second week na.

Ang isang clear kasi talaga ay namimili ang mga nagbabayad ng sine ng mga palabas na gusto nilang gastusan.

Ang Alone / Together pa lang ang Tagalog movie na maitutu­ring na box office hit for 2019.     

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with