Angel at Loisa
Loisa, nilinaw ang tungkol sa pagwo-walkout ni Angel
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

Mainit pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa diumano’y pagwo-walkout ni Angel Locsin sa taping ng teleseryeng The General’s Daughter noong isang linggo. 

Napabalitang may kinalaman ang direktor ng prog­rama sa biglaang pag-alis daw ng aktres sa set.

Binigyang-linaw naman ni Loisa Andalio na isa rin sa kabilang sa nasabing serye ang tungkol sa isyu. “Hindi ko alam kung totoo ‘yon ah, promise. Para sa akin hindi siya totoo. Wala, wala, si Ate Angel, sobrang bait niya as in sobrang haba ng pasensya niya. Kaya ako, no’ng nabasa ko ‘yon, nabasa ko talaga and ang dami ring nag-comment. Kasi sa pagkaka­kilala ko sa kanila, parang hindi gagawin ni Ate Angel ‘yon,” paglilinaw ni Loisa. 

Ayon sa dalaga ay magkakasundo ang mga artista, staff at crew ng kanilang serye kaya hindi nagkakaroon ng tensyon sa kanilang grupo. “Sobrang okay kaming lahat sa set, as in lahat ng mga artista, direktor, sobrang okay talaga. Kaya nagulat ako noong nakita ko ‘yon,” giit ng aktres. “Hindi pa kami nagkita noong nalaman ko ‘yon. Sobrang close namin sa set, kaya wala, promise,” pagtatapos ni Loisa.  

Apl De Ap gustong makasama si Catriona

Kamakailan ay nagbigay ng retinal came­ra ­imaging system si Apl De Ap sa Jose Lingad Memorial Hospital sa Pampanga. Kapampangan ang Black Eyed Peas member kaya naman talagang malapit sa kanyang puso ang nasabing lalawigan.

Makatutulong daw ang nasabing imaging system upang ma-detect ang R.O.P o Retinopathy of Prematurity na posibleng makabulag sa isang sanggol kapag hindi naagapan. 

Adbokasiya na ni Apl ang tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga kababayang may problema sa paningin dahil napagdaanan din ng international singer ang kondisyon na legal blindness. “I myself grew up as legally blind and I had a difficult time going through school. So I want to prevent the youth and other kids to not go through the same difficulties. So they can excel to gain education,” pahayag ni Apl.

Apat na taon na ang nakalilipas nang unang mag-donate ng parehong gamit ang Apl de Ap Foundation sa isang ospital. Para kay Apl ay hindi siya magsasawang tumulong para sa mga kap­wa Pinoy na mayroong pa­ngangailangan. 

Samantala, kung mabi­bigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ng Black Eyed Peas member ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. “I’d love to be part of all the good things she’s about to do,” nakangi­ting pagtatapos ni Apl. - Reports from JCC-

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with