Kuha ng paa ng mga anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas.
Instagram/Korina Sanchez
Korina, Mar biniyayaan ng kambal
James Relativo (Philstar.com) - February 21, 2019 - 8:00pm

MANILA, Philippines — First-time mommy na ang "Rated-K" host na si Korina Sanchez matapos dumating ang kambal nila ng mister at senatorial candidate na si Mar Roxas.

Ipinakilala nila sa mundo ang kanilang baby girl at baby boy nitong Huwebes.

Sa kanyang post sa Instagram, inihalintulad ni Korina sa milagro ang kanilang mga sanggol.

"I think if you believe hard enough, the miracle you most want can come true (Tingin ko kung maniniwala ka lang, darating at darating ang milagrong habol mo)," wika ni Korina.

Nasa 54-anyos na si Korina habang 61-anyos naman si Mar.

Humihingi na rin ng payo ang dalawa sa ipapangalan sa mga supling.

“We’re thinking of names. Any suggestions? Jack and Jill? Sonny and Cher? MariKor and KoriMar? Daniel and Kathryn? Did you ever think it could still happen for me? I never stopped believing (Nag-iisip na kami ng mga pangalan. May suggestions ba kayo? Jack at Jill? Sonny at Cher? MariKor at KoriMar? Daniel and Kathryn? Naisip niyo bang mangyayari pa ito para sa akin? Hindi ako tumigil sa paniniwala).”

Dalawang araw bago ang deklarasyon, nagpaskil pa si Korina ng litrato kung saan namimili sila ng gamit pambata.

Matagal nang sinusubukan ng dalawa na magkaanak matapos mag-isang dibdib noong 2009.

Kasalukuyang tumatakbo para sa opposition coalition na Otso Diretso ang asawa niyang si Mar para sa 2019 midterm elections.

Meron namang 25-anyos na anak si Mar sa dating beauty queen na si Maricar Zaldarriaga.

Dati namang tumakbo sa pagkapresidente si Mar ngunit natalo noong 2016.

KORINA SANCHEZ MAR ROXAS TWINS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with